HINDI dapat maging hadlang ang layo ng paaralan sa kinabukasan ng isang bata.
Pero para sa ilang batang Pilipino, ang pagpasok sa eskuwelahan ay hindi lang simpleng biyahe—kundi isang araw-araw na laban.
May mga batang kailangang sumakay ng bangka, maglakad ng ilang kilometro, at tumawid sa mga delikadong daan makapasok lang sa paaralan. Ang oras at lakas na dapat sana’y para sa pag-aaral ay nauubos na lamang sa paglalakbay.
Kaya sa ilalim ng panukalang kong 𝗦𝗕𝗡 𝟭𝟵𝟯𝟳 o ang 𝗚𝗜𝗗𝗔 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗔𝗰𝘁, bibigyan ng 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗻𝗮𝘄 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘁𝗶𝗯𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗲𝘀𝘁𝘂𝗱𝘆𝗮𝗻𝘁𝗲, 𝗴𝘂𝗿𝗼, 𝗮𝘁 𝗸𝗼𝗺𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿, mula sa mas maayos na access sa paaralan, sapat na silid-aralan at learning resources, hanggang sa mga insentibo at suporta para sa mga gurong pinipiling maglingkod sa mga komunidad na ito.
𝗔𝗻𝗴 𝗲𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘆 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗵𝗶𝗿𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗶𝘀 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝘁𝘂𝘁𝗼. Kaya mahalaga na ilapit natin ang edukasyon sa kanila, dahil kapag abot-kamay ang eskuwelahan, mas nagiging abot din ang kanilang mga pangarap.
Anuman ang layo ng kinaroroonan ng ating mga kabataan, dapat matiyak nating may gobyernong kaagapay ang bawat guro at batang Pilipino sa pagtupad ng kanilang mga pangarap.



