BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng kanonikal na koronasyon ng Nuestra Señora del Rosario de Manaoag, dumalo sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Louise Araneta-Marcos, kasama ang libo-libong deboto, sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag sa Pangasinan upang makibahagi sa presentasyon ng Centennial Crown na inialay sa Apostolic Nuncio sa ngalan ng Santo Papa.

Matapos ang Prayer After Communion, pinangunahan naman ng Pangulo ang pagbigkas ng Centennial Prayer bilang bahagi ng Misa Pontifical.
“May this celebration be with our moment as a people whom you have called in this blessed place and renew our commitment to serve you and our neighbors with love and compassion through the intercession of Our Lady of the Rosary of Manaoag the Beloved Protectress and patrons of the Prophets of Messiah,” dasal ng Pangulo.
“May our lives be filled with your blessings and may we always glorify you in our words and actions,” dagdag ng Pangulo.
Ginugunita sa okasyon ang ika-100 anibersaryo ng kanonikal na koronasyon ng imahen noong 1926, isang pambihirang karangalan na ipinagkaloob ng Vatican.
Bilang bahagi ng mga ritwal, pormal na iniharap ng Pangulo at ng Unang Ginang ang seremonyal na korona kay Apostolic Nuncio Charles John Brown, na kumakatawan sa Holy See.
Itinampok din sa programa ang muling pagsasadula ng makasaysayang pagkorona sa Mahal na Birheng Maria at sa Batang Hesus.
Isang malaking prusisyon ng iginagalang na imahen ang dumaan sa mga lansangan ng Manaoag sa bandang hapon.
Ang selebrasyon, na may temang “Inán Mariá: Crowned in Grace, Calling Us to Jesus,” ay nagpapakita ng malalim na debosyon ng mga Pilipinong Katoliko kay Inang Maria.
Kasama ng presidential couple sina Pangasinan Governor Ramon Guico III at Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario.
Ang bayan ng Manaoag, na ang pangalan ay hango sa isang lokal na termino na nangangahulugang “tumawag,” ay nagmula sa mga salaysay ng mga aparisyon ni Maria.
Sa loob ng maraming henerasyon, ang imahen, na may pagmamahal na tinatawag na “Ina” ng mga deboto, ay umakit sa mga pilgrims na naghahanap ng kapanatagan, paggaling, at banal na pamamagitan. Halaw sa ulat ng Presidential News Desk



