30.1 C
Manila
Sabado, Hunyo 13, 2026

NTF-ELCAC ExeCom inendorso ang mahahalagang inisyatiba laban sa insureksyon

- Advertisement -
- Advertisement -

INENDORSO ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Committee ang mga pangunahing polisiya upang matiyak ang mas mabilis na pagtugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan sa nasyonal at lokal na antas.

Ginawa ang pag-endorso nitong Miyerkules, Abril 22, 2026, sa ika-siyam na Executive Committee Meeting na pinamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malakanyang.

Ang Pangulo ang Chairperson ng NTF-ELCAC na binubuo ng 12 cluster at mga katuwang na ahensya na tumutugon sa seguridad, pamamahala, imprastruktura, at serbisyong panlipunan sa ilalim ng whole-of-nation approach upang tuluyang mapuksa ang lokal na mga grupong teroristang komunista at makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa buong bansa.

Kabilang sa mga rekomendasyon ng komite ang mungkahing pagpapalawig ng Amnesty Program, pagbibigay-prayoridad sa mahahalagang batas, pagpapalawak ng pondo para sa kaunlaran, at pagpapahusay ng mga mekanismo ng Task Force upang mas maging epektibo ang pamamahala.

“As the administration moves forward, the NTF-ELCAC calls on all stakeholders, government agencies, local government units, civil society, and the Filipino people to remain united in advancing a shared vision of a peaceful, secure, and progressive Philippines,” ayon kay Undersecretary Ernesto C. Torres Jr., NTF-ELCAC executive director.

Dagdag pa niya: “Through unity, we overcome division. Through development, we eliminate the roots of conflict. And through collective action, we secure lasting peace for every Filipino.”

Binanggit ni Torres na bagama’t malaki na ang progreso, kailangan pa rin ng pagpapatuloy at mas matibay na koordinasyon upang mapanatili ang kapayapaan. Ang nagbabagong anyo ng mga banta—tulad ng recruitment, maling impormasyon, at internasyonal na support networks—ay nangangailangan ng institusyonal at malawakang pagtugon ng gobyerno.

Nanatiling mahalaga ang mekanismo ng NTF-ELCAC sa pagpapanatili ng mga nakamit na kaunlaran sa mga komunidad na apektado ng tunggalian; sa pagpigil sa radikalisasyon; sa pagpapalakas ng koordinasyon ng mga ahensya; sa pagtitiyak ng pananagutan at rule of law; at sa pagsusulong ng inklusibong peacebuilding, reconciliation, at reintegration.

Ipinabatid din ng Task Force sa Pangulo ang update sa implementasyon ng National Action Plan for Unity, Peace and Development (NAP-UPD) 2025-2028, na nagpapakita ng bisa ng whole-of-nation approach ng pamahalaan sa pagtugon sa ugat ng insureksyon.

Bago ang pagpupulong, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang panunumpa ng mga bagong itinalagang Cabinet officers para sa Regional Development and Security (CORDS), mga miyembro ng NTF-ELCAC ExeCom, at mga cluster head. | PND

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -