30.4 C
Manila
Huwebes, Hunyo 11, 2026

Gatchalian: Learning recovery aangat sa pagpapatupad ng ARAL Program  

- Advertisement -
- Advertisement -

INAASAHAN ni Senador Win Gatchalian na aangat ang proficiency ng mga mag-aaral kasunod ng pagpapatupad ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program ngayong tag-init.

Inanunsyo kamakailan ng Department of Education (DepEd) na magsasagawa ito ng summer remediation programs para sa mga mag-aaral na nangangailangan ng tulong. Nakatakdang ipatupad ang mga programa mula May 6 hanggang June 3 ngayong taon. Ayon pa sa kagawaran, nakasentro sa ARAL Program ang gagawing summer remediation.

Binigyang diin ni Gatchalian, Chairman ng Senate Committee of Finance, na nakatanggap ang ARAL Program ng makasaysayang P8.96 bilyon sa ilalim ng 2026 national budget. Target ng pondong ito na mabigyang saklaw ang 6.7 milyong mga mag-aaral at kumuha ng 440,000 na mga tutor.

“Mahalagang matiyak na tunay na maaabot ng ARAL Program ang mga mag-aaral na higit na nangangailangan ng tulong. Kapag epektibo natin itong naipatupad, magiging malaking hakbang ito sa pag-ahon natin mula sa krisis sa edukasyon,” ani Gatchalian, may akda at sponsor ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program (Republic Act No. 12028).

Tiniyak din ng DepEd ang suporta nito sa pagbibigay ng learning resources, insentibo para sa mga guro, suportang pangkalusugan, at libreng pagkain para sa mga mag-aaral.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -