26.7 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Imee: Singil sa kuryente mapapamura ka sa mahal

- Advertisement -
- Advertisement -

HINDI na nakapagpigil si Senador Imee Marcos na banatan ang Meralco kasabay ng sunod-sunod na reklamo at “bill shock” ng mga konsyumer. “Sa totoo lang, dapat makamura tayo, hindi mapapamura sa mahal!” ani Marcos.

Ayon sa senador, bagamat may krisis sa langis, karamihan ng ating “generation plants” ay mula sa coal, hydro at iba pang renewable energy. Dahil dito, hindi dapat masyadong malaki ang dagdag singil na dulot ng generation cost.

“Dapat ‘yan nasa P0.50 hanggang P1.00 lang ang itataas across the board, hindi yung nangyayari ngayon na doble o triple ng nakaraang bill ang sinisingil!”, giit pa niya.

Ipinaalala rin ni Marcos na may mga diskwento sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act o RA 9136, pero tila kabaligtaran ang nararamdaman ng konsyumer. Aniya, panahon na para ang malalaking kumpanya ang sumalo sa gastos, hindi ang taumbayan. Huwag nilang ipasa sa konsyumer ang pondo para sa diskwento ng mga nangangailangan.

“Yang systems loss na nakalagay sa bill, dapat lagyan nila ng limitasyon ngayong krisis at higit sa lahat, ‘wag naman nilang ipasalo na lang sa Member-Consumer-Owner o MCOs ang pagbabayad diyan,” dagdag ng senador.

Kasabay nito, nanawagan din si Marcos na huwag samantalahin ang krisis sa enerhiya, lalo na ngayong tag-init at may banta ng matinding El

Iginiit din niya ang pagsagawa ng masusing imbestigasyon sa biglaang taas-konsumo at mas mahigpit na pagbabantay sa metro.

“Bawat piso mahalaga ngayong krisis. Hindi pwedeng kada buwan may pasabog sa bill. Hindi lang ilaw ang umiinit—ulo ng mga Pilipino ang nagliliyab sa taas ng singil at iba pang gastusin,” pagtatapos niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -