29 C
Manila
Huwebes, Hunyo 18, 2026

Nangako si Pangulong Marcos ng mas malakas na teknolohiya, suportang pinansyal sa mga Filipinong imbentor, innovator

- Advertisement -
- Advertisement -

KINILALA at pinarangalan sa 2026 National Invention Contest and Exhibits (NICE) Awards ang mga piling imbensyon na may konkretong ambag sa tao at komunidad, mula sa 764 entries na dumaan sa regional na kompetisyon nationwide.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggawad ng parangal sa mga imbentor sa likod ng mga solusyong may tunay na epekto: ang compact Multi-shell Neutron Spectrometer at abot-kayang herbal cream para sa kalusugan sa ilalim ng Tuklas Award; ang multi-grain precision seeder na nagpapagaan ng trabaho ng magsasaka sa ilalim ng Banghay Award; ang mabilis na African Swine Fever detection system para sa mga mag-aalaga ng baboy sa ilalim ng Likha Award; at ang AI-powered optical chick counting device para sa poultry operations sa ilalim ng Sibol Award.

“Hindi naman maikakaila na mahirap ang paglikha. Maraming pagsubok ang kailangang lampasan tulad ng kakulangan sa pondo at limitadong access sa makabagong teknolohiya. Ngunit, higit pa rito, ang tunay na hamon ay kung paano ito madadala sa merkado upang mapakinabangan kaagad ng nakararami,” sabi ng Pangulo sa kanyang speech.

“As President, I do not accept that there should be an uncertain future for our inventors. They have world-changing ideas, and we must watch them – we cannot watch them wither on the vine due to lack of institutional support. And this is why I have given instructions to the Department of Science and Technology and all other relevant government agencies to strengthen financial and technical support for our inventors,” dagdag ng Pangulo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -