26.2 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Pag-amyenda sa Magna Carta for Public School Teachers patuloy na isinusulong ni Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

SA gitna ng pagdiriwang ng Labor Day, muling isinulong ni Senador Win Gatchalian ang kanyang panukalang batas upang amyendahan ang Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670). Ani Gatchalian, napapanahon na ang pag-amyenda sa Magna Carta, 59 taon mula noong una itong isabatas, upang patatagin ang karapatan at kapakanan ng halos 900,000 na mga public school teachers sa bansa.

Ilan sa layunin ng Revised Magna Carta for Public School Teachers (Senate Bill No. 363) na inihain ni Gatchalian ang pagtiyak sa security of tenure ng mga guro, hindi pagpapahintulot ng mga non-teaching tasks, at pagprotekta sa mga out-of-pocket expenses. Isinusulong din ng panukalang batas ang pagkakaroon ng mas maayos na kondisyon ng mga guro, pagbabawal sa understaffing at overloading sa hanay ng mga guro, at proteksyon mula sa unregulated class size.

Layon din ng naturang panukala ang pagiging institutionalized ng mga benepisyo tulad ng calamity leave, longevity pay, at iba pa. Itinatakda rin ng panukalang batas ang mga kondisyon sa pagbibigay ng special hardship allowance.

“Patuloy nating isinusulong ang pag-amyenda sa Magna Carta for Public School Teachers upang itaguyod ang kapakanan ng ating mga guro. Ilang dekada na ang lumipas mula noong naipasa ang batas na ito, panahon na upang tuparin natin ang mga pangako nito ,” ani Gatchalian, Vice Chairman ng Senate Committee on Basic Education.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -