30 C
Manila
Lunes, Hunyo 29, 2026

Ngayong tag-init, kaalaman sa heat index ay kailangan- PAGASA

- Advertisement -
- Advertisement -

Ni Aryan Joy M. Soliman, DOST-Ilocos Region

SA gitna ng patuloy na pagtaas ng temperatura sa Rehiyon I, binigyang-diin ng Department of Science and Technology–Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o DOST-PAGASA ang kahalagahan ng pag-unawa sa heat index upang maiwasan ang heat-related emergencies.

Ipinaliwanag ni DOST-PAGASA Weather Specialist II Engr. Mark Louie Vergara ang effect-based classifications ng heat index sa ikawalong episode ng Tekno PreSyensya na pinamagatang “Bantay Init: Understanding Heat Index Monitoring and Rising Temperature.

Tinalakay ito sa Episode 8 ng Tekno PreSyensya na pinamagatang “Bantay Init: Understanding Heat Index Monitoring and Rising Temperature,” na ipinalabas noong ika-30 ng Abril 2026 kung saan tampok si Weather Specialist II Engr. Mark Louie A. Vergara ng Northern Luzon-West PAGASA Regional Services Division.

Ipinaliwanag ni Engr. Vergara na ang heat index o ang “damang init,” ay ang init na nararamdaman ng katawan bunga ng kombinasyon ng air temperature (aktwal na temperatura ng hangin) at relative humidity (dami ng halumigmig o moisture sa hangin).

Kapag mataas ang relative humidity, bumabagal ang pagpapawis ng katawan kaya mas tumitindi ang pakiramdam ng init at tumataas ang panganib sa kalusugan.


Ayon sa PAGASA, ang heat index ay may effect-based classifications:

  • 27°C–32°C (Caution) kung saan maaaring makaranas ng pagkapagod;
  • 32°C–41°C (Extreme Caution) kung saan posibleng magkaroon ng heat cramps at heat exhaustion;
  • 42°C–51°C (Danger) kung saan mataas ang posibilidad ng heat cramps at heat exhaustion, at maaaring mauwi sa heat stroke;
  • at 52°C pataas (Extreme Danger) na lubhang mapanganib at may mataas na panganib ng heat stroke.

Binigyang-diin na kahit nasa Extreme Caution level pa lamang, maaari nang makaranas ng heat-related illnesses lalo na kung tuluy-tuloy na exposure sa init.

Patuloy namang naglalabas ang DOST-PAGASA ng heat index forecasts at advisories, lalo na tuwing warm and dry season mula Marso hanggang Mayo.

Maaaring subaybayan ang mga ito sa opisyal na website at social media platforms ng DOST-PAGASA, kabilang ang iHeatMap o Interactive Heat Index Monitoring and Prediction, na nagbibigay ng real-time na datos sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

- Advertisement -

Kaugnay nito, pinaalalahanan ang publiko na bantayan ang mga senyales ng heat stress tulad ng labis na pagpapawis, pagkahilo, pagkapagod, pagsusuka, at kakulangan sa tubig sa katawan.

Kapag nakaranas ng mga sintomas, agad na itigil ang aktibidad, magpahinga sa malamig o may lilim na lugar, at uminom ng sapat na tubig. Sa mga malulubhang kaso gaya ng pagkawala ng malay, kinakailangan ang agarang pagdala ng pasyente sa pinakamalapit na paggamutan.

Hinihikayat ang lahat na manatiling updated sa heat index forecasts at maging handa upang maiwasan ang panganib dulot ng matinding init.

Sa pamamagitan ng programang Tekno PreSyensya, patuloy na pinalalakas ng DOST- Ilocos Region ang pagpapalaganap ng tama at napapanahong impormasyon upang mapataas ang kamalayan ng publiko hinggil sa mga isyung pang-agham na may direktang epekto sa kalusugan at kaligtasan. Maaaring mapanood ang naturang episode sa https://www.facebook.com/dostilocos/videos/1740130544028285.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -