31.2 C
Manila
Lunes, Hunyo 29, 2026

Sotto tinanggal; Cayetano bagong Senate president

- Advertisement -
- Advertisement -

PAGKATAPOS bomoto ng 13-9-2, ibinoto ng mga senador si Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate president para palitan si Sen. Vicente Sotto III.

Kasama sa mga bomoto kay Alan Cayetano ay si Sen. Ronald Dela Rosa na dumalo sa sesyon ng Senado ngayon, May 11, 2026, pagkatapos ng limang buwang pag-absent.

Bukod kay Dela Rosa, ang walong senador sa minority group na bomoto kay Alan Cayetano ay si a  Francis Escudero, Jinggoy Estrada, Bong Go, Rodante Marcoleta, Imee Marcos, Robinhood Padilla, at Joel Villanueva.

Ang apat na majority bloc na nagkaroon ng “swing votes” at nakatulong kay Cayetano para maging  presidente ng Senado ay sina Senators Loren Legarda, Pia Cayetano, at magkapatid na Camille at Mark Villar.


Nag-abstain sina Senators JV Ejercito at Migz Zubiri.

Ang walong senador na bomoto Kay Sotto ay sina Bam Aquino, Win Gatchalian, Risa Hontiveros, Panfilo Lacson, Lito Lapid, Francis Pangilinan, Erwin Tulfo, at Raffy Tulfo.

Sa simula pa lang  ng sesyon, sinabi ni Alan Cayetano na nakukuha sila ng 13 boto para maipatupad ang pagbabago ng leadership. Idineklara ni Villanueva na bakante na ang lahat ng posisyon sa Senado.

Si Senadora Imee Marcos ang nag-nominate Kay Alan Cayetano para palitan si  Sotto samantalang si Lacson ang nag-nominate kay Sotto. Halaw sa ulat ng The Manila Times

- Advertisement -

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -