28.1 C
Manila
Lunes, Hunyo 29, 2026

 Ano ang dahilan ng pagtaas ng unemployment rate sa 5.1% noong Pebrero 2026?  May kinalaman ba rito ang iskandalo sa flood control projects?

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKALIKHA ang ekonomiya ng 270 libong trabaho noong Pebrero 2026 kumpara noong Pebrero 2025 ngunit umakyat pa rin ang unemployment rate sa 5.1% kumpara sa 3.8% noong nakaraang taon.  Bakit?  (Table 1)

Nawalan ng 580 libong trabaho ang agrikultura at 240 libo ang industriya. Ngunit nakabawi ang services sector ng 1.09 milyong trabaho.

Naapektuhan ang agrikultura ng drought conditions na nagbawas ng ani sa maraming bahagi ng kapuluan. Ang malakas na hangin sa mga karagatan ang nagbunsod sa hindi pagpalaot ng mga mangingisda na  nakabawas din ng 50 libong trabaho.

Hindi sana bumaba ang antas ng trabaho sa industriya kung hindi nawalan ng trabaho ang 440 libong manggagawa sa construction. Di pa rin nakakabawi ang construction sa epekto ng iskandalo sa ghost at substandard projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Patuloy ang kabawasan ng expenditure sa infrastructure projects noong  unang quarter. Patuloy pa rin ang  pagrepaso ng pamahalaan sa mga proyekto para maparusahan ang mga kontraktor na nagnanakaw sa kaban ng bayan. (Table 2)

Mabuti na lang at bumalikwas ang manufacturing na nakadagdag ng 110 libong trabaho; water supply at sewerage systems na nakadagdag ng 50 libong trabaho; mining at quarrying na lumikha ng 30 libo; at electricity na na-ambag ng 10 libong trabaho.


Tanging services sector ang nakadagdag ng trabaho; lumikha ito  ng 1.09 milyon. Sa mga subsector, 12 ang nag-ambag ng trabaho at 2 lang ang hindi. Ang mga nakalikha ng pinakamaraming trabaho ay ang administrative at support staff activities na lumikha ng 730 libong trabaho;  transportation at storage, 450 libo; public administration at defense, 300 libo; professional, scientific, at technical activities, 160 libo;  information at communication, 130 libo; accommodation at food service activities, 80 libo; financial at insurance activities, 80 libo; human health at social work activities, 80 libo;  real estate, 70 libo;  education, 70 libo; at other service activities, 60 libo.

Samantala, nawalan ng trabaho ang dalawang subsector kasama ang wholesale at retail trade, -1.11 milyon ; at arts, entertainment at recreation, -20 libo.

Nadagdagan ang labor force ng 1 milyong katao kahit na bumagsak ng labor force participation rate (LFPR) sa 63.8% mula sa 64.5% noong nakaraang taon.

Dahil kulang ang nalikhang trabaho (270 libo) kumpara sa bagong panhik sa labor force na 1 milyon, tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa 2.66 milyon kumpara sa 1.94 milyon noong nakaraang taon, 72 libo kataong pagtaas. Dahil dito, umakyat ang unemployment rate sa 5.1% mula sa 3.8% noong nakaraang taon. Ito ang pinkamataas na unemployment rate mula noong Setyembre 2022.

- Advertisement -

Kasabay sa pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa, umakyat din ang bilang  ng underemployed persons sa 5.84 milyon mula sa 4.96 milyon. Ang underemployment rate ay umakyat sa 11.21% mula sa 11.10%. Mas maraming mga manggagawa ang nahirapang maghanap ng gusto nilang trabaho; patuloy silang naghahanap ng malilipatan. Kasabay din nito ang pagbaba ng oras ng paggawa ng labor force sa 40.9 oras mula sa 41.05 oras noong nakaraang taon.

Dahil sa paghina ng ekonomiya, mabagal na paglikha ng hanapbuhay kasabay ng ang patuloy na pag-akyat ng inflation rate dahil din sa presyo ng langis na umakyat dahil sa pagsiklab ng digmaan sa Middle East, maaaring ititigil muna ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtapyas sa policy interest rates at bagkus ay bagong pagtaas ng interest rates ang maaaring harapin ng bayan.

TABLE 1.

LABOR AND EMPLOYMENT

2025 2026 CHANGE
February February 2026vs2025
Persons Above 15 Years Old (Millions)          79.25          81.62 2.38
Labor Participation Rate          64.47          63.81 -0.66
Labor Force (Millions) 51.09 52.09 1.00
Employed Persons (Millions) 49.16 49.43 0.27
Employment Rate 96.21% 94.89% -1.32%
Employment in: (Millions)
   Agriculture            9.87            9.29 –          0.58
   Industry            8.99            8.75 -0.24
   Services          30.29          31.39             1.09
Unemployed Persons (Millions)            1.94            2.66             0.72
Unemployment Rate 3.79% 5.11% 1.32%
Underemployed Persons (Millions)            4.96            5.84             0.88
Underemployment Rate 10.10% 11.21% 1.11%
Source: Philippine Statistics Authority

 

TABLE 2.   Employed Persons by Sector, and Hours Worked,
February 2025 and February 2026
(In Percent)
 
Sector/Subsector/Hours Worked Pebrero Pebrero CHANGE
2025 2026 2026vs2025
EMPLOYED PERSONS 49.16 49.43 0.27
  Number (in millions)
  SECTOR
 Agriculture 9.87 9.29 -0.58
Agriculture and forestry 8.42 7.89 -0.52
Fishing and aquaculture 1.45 1.40 -0.05
 Industry 8.99 8.75 -0.24
Mining and quarrying 0.23 0.26 0.03
Manufacturing 3.58 3.69 0.11
Electricity, gas, steam, and air conditioning supply 0.09 0.11 0.01
Water supply; sewerage, waste management  and remediation activities 0.05 0.10 0.05
Construction 5.03 4.59 -0.44
 Services 30.29 31.39 1.09
Wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles 10.62 9.51 -1.11
Transportation and storage 3.68 4.13 0.45
Accommodation and food service activities 2.80 2.88 0.08
Information and communication 0.42 0.55 0.13
Financial and insurance activities 0.67 0.75 0.08
Real estate activities 0.21 0.28 0.07
Professional, scientific and technical activities 0.34 0.50 0.16
Administrative and support service activities 2.45 3.19 0.73
Public administration and defense; compulsory social security 2.95 3.25 0.30
Education 1.65 1.72 0.07
Human health and social work activities 0.76 0.85 0.08
Arts, entertainment and recreation 0.51 0.50 -0.02
Other service activities 3.21 3.27 0.06
Activities of extraterritorial organizations and bodies 0.00 0.00 0.00
   HOURS WORKED    
Less than 40 hours 29.59 29.19 -0.41
     One hour 0.15 0.14 -0.01
Worked 40 hours and over 69.59 69.83 0.23
With a job, not at work 0.82 0.99 0.17
Mean hours worked in one week 41.05 40.91 -0.14
Source: Philippine Statistics Authority

 

 

 

- Advertisement -

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -