SA pagtatapos ng PMA “Talang Dangal” Class of 2026, kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 207 bagong opisyal na handang magsilbi at ipagtanggol ang bansa laban sa lumalawak na banta, mula sa cyberspace at disinformation hanggang sa territorial aggression at kalamidad.

Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng integridad, disiplina, at katapatan sa Konstitusyon bilang pundasyon ng tunay na military service. Hinikayat din niya ang mga nagtapos na gamitin ang kanilang kakayahan sa teknolohiya, artificial intelligence, at modern warfare upang pangalagaan ang seguridad at kapayapaan ng bansa.
Bilang pagkilala sa tradisyon ng PMA, ipinagkaloob din ng Pangulo ang pardon sa lahat ng natitirang parusa ng mga kadete ng Cadet Corps of the Armed Forces of the Philippines.



