NAGPASYA ang Korte Suprema na nagkahahadlang sa pagpapatala ng mga marka ang mga pagkakatulad sa disensyo ng ๐ต๐ณ๐ข๐ฅ๐ฆ๐ฎ๐ข๐ณ๐ฌ o ๐ญ๐ฐ๐จ๐ฐ na maaaring magdulot ng kalituhan sa mga mamimili kahit pa may idinagdag na mga bagong salita.
Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Ramon Paul Hernando, pinagbigyan ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang mga pinagsamang petisyon ng Starwood Hotels & Resorts Worldwide, LLC (Starwood) at isinantabi ang mga pasya ng Court of Appeals (CA) na nagpapahintulot sana sa pagpapatala ng mga marka ng Oceanic Empire Limited (Oceanic).
Naghain ang Oceanic ng aplikasyon para ipatala ang mga ๐ต๐ณ๐ข๐ฅ๐ฆ๐ฎ๐ข๐ณ๐ฌ na โW GLOBALCENTERโ at โW FIFTH AVENUEโ at nauna na nitong nakuha ang pagpapatala para sa โW TOWER.โ
Tinutulan ng Starwood, na siyang may-ari ng ilang rehistradong ๐ต๐ณ๐ข๐ฅ๐ฆ๐ฎ๐ข๐ณ๐ฌ na โWโ para sa mga hotel at serbisyong panglibangan, ang mga aplikasyon at hiniling ang kanselasyon ng โW TOWER.โ Katwiran nito, nakalilito ang pagkakatulad sa kanilang mga ๐ต๐ณ๐ข๐ฅ๐ฆ๐ฎ๐ข๐ณ๐ฌ ang mga marka ng Oceanic. Sinabi rin ng Starwood na makikinabang ang Oceanic sa kasikatan at reputasyon ng kanilang brand at maaari nitong iligaw ang publiko na maniwala na may kaugnayan sa Starwood ang negosyo ng Oceanic.
Sa pagpabor sa Starwood, ipinaliwanag ng Korte Suprema na naglalayong maiwasan ang kalituhan sa mga produkto at negosyo ang proteksiyon sa ๐ต๐ณ๐ข๐ฅ๐ฆ๐ฎ๐ข๐ณ๐ฌ. Tanging ang posibilidad lamang, hindi ang aktwal na patunay, ng kalituhan ang kinakailangan para sa proteksiyon sa ๐ต๐ณ๐ข๐ฅ๐ฆ๐ฎ๐ข๐ณ๐ฌ. Dapat suriin ang bawat kaso batay sa pagkakahawig ng mga marka at sa kaugnayan ng mga serbisyo.
Sa ilalim ng Dominancy Test, binibigyang-diin ang dominante o ang pinakatampok na katangian ng mga marka sa halip na ang mga maliliit na pagkakaiba.
Sa kasong ito, nagpasya ang Korte Suprema na ang titik โWโ ang dominante o tampok na bahagi ng mga marka kapwa ng Starwood at Oceanic. Bagamat nakatala ang โWโ ng Starwood bilang isang ๐ธ๐ฐ๐ณ๐ฅ ๐ฎ๐ข๐ณ๐ฌ, nilinaw nito na hindi maaaring angkinin ng Starwood ang mismong titik na โWโ kundi ang natatangi at naka-istilong (stylized) bersiyon lamang nito.
Binigyang-diin nito na agad na mapapansin ng mga mamimili ang pagkakatulad ng mga markang โWโ ng magkabilang panig. Pinanindigan nito na hindi nagpapabago sa katotohanan na pareho silang gumagamit ng iisang estilo na mukhang magkahawig sa paningin.
Inatasan ng Korte Suprema ang Direktor ng Bureau of Trademarks na isantabi ang aplikasyon ng Oceanic para sa pagpapatala ng ๐ต๐ณ๐ข๐ฅ๐ฆ๐ฎ๐ข๐ณ๐ฌ at pagbigyan ang petisyon ng Starwood para sa kanselasyon ng markang โW TOWER.โ
Basahin ang ๐ฑ๐ณ๐ฆ๐ด๐ด ๐ณ๐ฆ๐ญ๐ฆ๐ข๐ด๐ฆ sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166975
Sumunod sa ๐๐ณ๐ฆ๐ฅ๐ช๐ต ๐๐ต๐ต๐ณ๐ช๐ฃ๐ถ๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐๐ฐ๐ญ๐ช๐ค๐บ ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.



