32.3 C
Manila
Lunes, Hunyo 15, 2026

‘Crising’ lumabas na ng PAR pero nanatili ang mga signal sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon

- Advertisement -
- Advertisement -

SINABI ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ngayong Sabado, Hulyo 19, 2025, nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Crising ngayong 10 a.m.

 

Bagama’t nakalabas na ng PAR ang Severe Tropical Storm #CrisingPH  o “Wipha” (international name) nakataas pa rin ang Signal No. 2 sa Batanes, sa western portion  ng Babuyan Islands (Dalupiri Is., Calayan Is.), at Ilocos Norte (Burgos, Pasuquin, Pagudpud, Dumalneg, Bangui)

Samantala, ayon sa ulat ng Pagasa ngayong 11:00 AM, nasa Signal No. 1 ang ilang bahagi ng Ilocos Region at Cordillera.

Ito ay sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, ang hilagang bahagi ng La Union (Bangar, Sudipen, Luna, Balaoan, Santol, San Gabriel, Bacnotan, San Juan), Abra, Apayao, Kalinga, at natitirang bahagi ng Cagayan.

Ang mata ni “Crising” ay nasa 235 kilometro kanluran ng Itbayat, Batanes at kumikilos pakanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras, na may lakas ng hanging aabot sa 100 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125 kph.

Gayunman, sinabi ng weather bureau na lalakas ito at magiging bagyo pagsapit ng Linggo ng hapon o gabi, habang nasa labas ng PAR.

Alamin ang kahulugan ng mga babala ng DOST-Pagasa sa malakas na pag-ulan. Halaw sa ulat ng The Manila Times at Presidential Communications Office

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -