UPANG maprotektahan ang mga lokal na magsasaka na nahihirapan mula sa mababang presyo ng palay sa kasalukuyang panahon ng ani, inihayag kahapon, Agosto 6, ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsuspinde sa lahat ng pag-angkat ng bigas sa loob ng 60 araw simula Setyembre 1, 2025.

Inilabas ng Pangulo ang direktiba matapos na kumonsulta sa mga miyembro ng Gabinete sa sideline ng kanyang limang araw na State Visit sa India, at sa rekomendasyon ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr.



