26.7 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Lacson: Resolusyon ng Senado at Kamara na nagbubukas ng budget process sa publiko, malaking hakbang laban sa katiwalian sa budget

- Advertisement -
- Advertisement -

MALAKING hakbang laban sa katiwalian sa budget ang resolusyon ng Senado at Kamara para buksan sa publiko ang budget process, kahit na hindi sila “foolproof,” ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Miyerkules.

Welcome kay Lacson ang House Resolution 94, na pinahintulutan ang civil society organizations (CSOs) bilang non-voting observers sa budget deliberations ng House appropriations committee.

Dagdag ni Lacson, sa pagpirma niya at kapwa senador sa concurrent resolution para sa isang transparent budget process, mapapadali ang malaman kung sino ang mambabatas na nagsingit at nag-realign sa budget bill.

“What we signed yesterday is a concurrent resolution kaya nagkakaisa ang both houses (salamat naman) na maging transparent ang budget process all the way hanggang bicam,” aniya.

“At the very least, matutunton na ang mga proponents ng amendments a.k.a. insertions and realignments kaya madali nang matukoy ang mga singitero pag palpak o guniguni ang projects,” dagdag ni Lacson.

Bagama’t hindi “foolproof” ang mga resolusyon na ito, naniniwala si Lacson na kung tama ang pagpapatupad dito, malaki ang magagawa nito para mabawasan ang katiwalian sa budget process sa nakaraang mga taon.

“It may not be a foolproof mechanism para maging insertion-free at mawala ang komisyunan sa mga proyekto pero at least maaaring malaking kabawasan sa katiwalian pag naipatupad talaga nang maayos,” aniya.

Sa kanyang interpelasyon sa privilege speech ni Sen. Loren Legarda noong Martes, ipinunto ni Lacson na sa dami ng inisyatibo para gawing transparent ang budget process, mag-aatubili ang mambabatas sa pagsingit ng kwestyonableng proyekto dahil madali silang makilala.

“I think we can more or less mitigate ang insertions because legislators will be more reluctant to insert projects that are not coordinated with the agencies that will implement those projects, simply because they will be identified if we have a transparent budget process or legislation process dealing with the budget for 2026,” aniya.

Iba pang detalye: https://pinglacson.net/2025/08/06/lacson-senate-house-resolutions-opening-the-budget-process-to-the-public-a-big-step-vs-corruption/

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -