29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Lacson, ‘Hoping against hope’ na rerespetuhin ng kapwa senador ang final ruling ng SC sa VP Impeachment

- Advertisement -
- Advertisement -

“HOPING against hope” si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na gagalangin ng kasamahan niya sa Senado ang magiging final ruling ng Korte Suprema na tumutugon sa motion for reconsideration ng Kamara tungkol sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam sa radyo nitong Sabado, ipinunto ni Lacson na karamihan sa kanyang kasamahan ng bumoto para i-archive ang impeachment complaint ang mismong nagsabing kailangang galangin ang desisyon ng Korte Suprema.

“Let’s put it this way. I’m hoping against hope irerespeto nila ang ruling ng Supreme Court, ang final ruling addressing or resolving the motion for reconsideration. Kasi kung ganoon pa rin ang kanilang boto pag nag-explain kami ng boto namin ibabalik ko sa kanila iko-quote ko ang kanilang sinabi sa explanation of votes, halos lahat sila sinasabing respetuhin natin, igalang natin ang ruling ng Korte Suprema,” aniya sa DWIZ, nang tinanong kung anong mangyayari kung binaligtad ng Korte Suprema ang unang ruling nito.

Aniya, ito ang dahilan kung bakit siya nag-abstain sa pagboto sa motion na i-archive ang kaso – dahil ang paninindigan niya ay respetuhin at hindi sumuway Hulyo 25 ruling ng Korte Suprema, at hindi niya nais ma-preempt ito dahil mayroon pang pending na motion for reconsideration.

Dagdag ni Lacson, kung bumoto man siya, baka na-preempt niya ang final ruling ng Korte Suprema.

Ayon din kay Lacson, nag-utos ang Korte Suprema sa kampo ni Vice President Duterte na magkomento sa motion for reconsideration, sa halip na maglabas ng minute resolution na binabasura ito.

“Ibig sabihin, sabihin na nating gusto nilang ma-review din based on the merit ng pinresent ng SolGen baka may nasilip sila doon na oo nga mag-review tayo parang may punto dito. I’m just speculating pero hindi every day nangyayari ang unanimous na nga ang decision, pagkukumentahin pa ,” aniya.

Punto rin ni Lacson, sana ay hindi muna umakto ang Senado sa unang ruling ng Korte Suprema kahit na immediately executory ito, lalo na at may pending motion for reconsideration ngayon.

“Kung wala kaming gagalawin paano kami mag-violate sa immediately executory kung wala kaming galaw? Nagko-comply kami, nag-adhere kami. Yang archive di kami sumunod sa final decision kasi wala pa, pine-preempt namin. Pine-preempt namin whatever final decision na gagawin, ina-assume namin siguradong ide-deny ang motion? Hindi pa natin alam yan. Bakit tayo nag-archive na? Bakit tayo nag-dismiss na? Kaya kinwestyon ko,” aniya.

Sa ngayon, maaaring sabihing “patay” ang impeachment complaint pero pwede pa ring buhayin, dahil pwede pa itong ilabas sa archives kahit na magkakaroon muli ng debate at pagboboto.

Samantala, hindi sang-ayon si Lacson sa patutsada ng ilang kasamahan niya sa Kamara noong botohan noong Miyerkules.

“Ang magsasabi kong may violation ng inter-parliamentary courtesy, ang mayorya sa amin. Pero kung tatanungin opinion ko, hindi na kailangan yan. Ang pinaguusapan namin ang legality. Wag na sana tayo mag-inject ng mga talunin nyo na lang sa 2028. Di naman kasama sa usapan yan,” aniya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -