29.5 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Bagong silang na sanggol, dinalaw ni PBBM matapos pumanaw ang ina sa panganganak; ama ng sanggol, walang babayaran sa ospital

- Advertisement -
- Advertisement -

SINIGURO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi na kailangang magbayad ng mahigit ₱551,000 na hospital bill ang ama ni baby Elisse sa tulong ng Zero Balance Billing Program.

 

Layunin ng pamahalaan na ang bawat Pilipino ay may access sa libreng serbisyong medikal, lalo na sa oras ng matinding pangangailangan.

Sa pag-iikot ni Pangulong Bong Bong Marcos sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU) ng DOH-East Avenue Medical Center, nakita nito si baby Elisse na isang sanggol na nakaligtas sa isang aksidente. Siniguro ni PBBM sa tatay ni baby Elisse na wala silang babayaran sa bill ng anak sa NICU at sa mga isinagawang medical procedures sa nasawing ina ng sanggol.

Kwento ni Tatay Dexter, pitong buwang buntis ang kaniyang live-in partner nang masangkot sa banggan ng motorsiklo kaya kinailangang mailigtas si baby Elisse sa sinapupunan ng nasawing ina. Pre-mature si baby Elisse na kailangang manatili sa NICU.

Umabot sa ₱551,908.83 and kabuuang bill sa mga procedures na ginawa kay baby Elisse at sa ina nito. Pero ang pinal na babayaran ay ₱0.00 dahil sa Zero Balance Billing.

Narito ang computation:₱336,243.72 – kabuuang gastos sa ospital ng nasawing ina ni baby Elisse. Sa halagang ito, ₱90,675 ang first case rate na binayaran ng PhilHealth habang ₱245,568.72 ang binayaran ng DOH para sa gamot, laboratoryo, medical supplies, operating room, radiology, at iba pang medical procedures.

₱215,665.11 – kabuuang gastos sa ospital ni baby Elisse. Sa halagang ito, ₱24,000.00 ang first case rate na binayaran ng PhilHealth habang ₱191,665.11 ang binayaran ng DOH para sa kwarto, gamot, laboratoryo, medical supplies, radiology, at iba pang medical procedures gaya ng neurology.

Lubos ang pagpapasalamat ni tatay Dexter nang wala na siyang kailangang intindihin sa gastos sa ospital. Nagpaabot ng pakikiramay ang Pangulo kasama si DOH Sec Herbosa sa naulilang mag-ama.

Note: Ang pagkuha ng impormasyon ng mga pasyente at kopya ng bill ay may pahintulot mula sa ama ng pasyente at sa pamunuan ng ospital.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -