29.5 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Mga dahilan nang pag-akyat ng inflation sa 1.5% noong Agosto

- Advertisement -
- Advertisement -

UMAKYAT ang year-on-year (YOY) inflation sa 1.5% noong Agosto. Anu-ano ang mga dahilan sa pag-akyat na ito? Mauudlot ba ang plano ng Bangko Sentral na pababain ang interest rates sa mga susunod na buwan?

Umakyat ang YOY inflation sa 1.5% pagkatapos nitong maabot noong Hulyo ang pinakamababang antas ng inflation sa loob ng halos anim na taon. Ngunit nanatili ang year-to-date (YTD) na average inflation sa 1.66%, mas mababa pa rin sa 2-4% na projection para sa buong taon.  (Table 1).

Limang sunud-sunod na bagyo na sumira sa mga pananim at mga livestock farms at nagpatigil sa pangingisda ang naging mitsa sa muling pag-akyat ng presyo ng  maraming produkto at serbisyo noong Agosto.

Pinakamalaking pag-akyat ang naitala ng pagkain na lumipad sa 0.9% mula sa negatibong antas na -0.2% noong Hulyo.

Umakyat ang presyo ng gulay ng 10.0%, isda ng 9.5%, oils at fats ng 8.9%, karne ng 7.1%, isda ng 6.3%, fruits at nuts ng 5.2%, at gatas at itlog ng 3.8%.  Kahit na bumaba ang presyo ng bigas ng -17.0% at mais ng -11.8%, at matatag at mababa ang inflation ng ready-made food (2.3%), tinapay, (1.5%) at asukal (0.1%), hindi nito nabaligtad ang pataas na trend.


Lumobo ang YOY inflation ng non-food items ng 1.8% mula sa 1.4% kahit na bumaba ng YOY inflation ng clothing and footwear (1.7%); furnishings, household equipment and maintenance (1.0%);       recreation, sports and culture (2.1%); at education services (2.9%). Malakas ang sipa ng health expenditures (2.9% mula sa -2.0%); at personal care and miscellaneous services (2.5% mula sa 2.3%). Sa kabilang dako, di  natinag sa antas nila noong nakaraang buwan ang alcoholic beverages at tobacco (4.2%); housing, water, electricity and other fuels (2.1%); restaurants and accommodation services (2.3%); at financial services (0.0%).

Dumoble naman  ang  month-on-month  (MOM)     inflation    sa                 0.6% mula sa 0.3% noong Hulyo.  Umakyat ang pagkain ng 0.6% mula sa 0.1%; at non-food sa 0.5% mula sa 0.2%.

Base sa MOM inflation, lumipad ng 15.8% ang presyo ng gulay. Ganoon din ang isda na umakyat ng 2.8%.  Kasama sa mga umangat nang malakihan ang oils and fats (0.9%); karne (0.7%); gatas at itlog (0.5%); non-alcoholic beverages (0.4%), ready-made food (0.4%); at mais (0.3%).  Banayad naman ang pag-akyat ng  arina, tinapay, at pasta (0.2%) at ang asukal ay di gumalaw (0.9%)

Sa non-food category naman,  umakyat ang MOM inflation ng housing, water, electricity, gas at fuels (0.7%);  health (0.4%); education (0.4%); furnishings, household equipment at maintenance (0.3%); recreation, culture at sports (0.3%); at personal care at miscellaneous goods (0.3%). Banayad naman ang alcoholic beverages at tobacco (0.2%); clothing at footwear (0.2%); transport (0.2%); restaurants at accommodation services (0.2%); information at communication (0.1%) at ang di gumagalaw na financial services (0.0%).

- Advertisement -

Tumaas ang core inflation ng tatlong beses sa YOY inflation na 2.7% at doble ang akyat ng MOM inflation na 0.5%.  Dahil ang naitalang 1.5% na YOY inflation ay mas mababa pa rin kaysa sa  lower end ng target inflation range na 2-4% at ang policy interest rate ay mataas pa rin sa antas nitong 5%, inaasahang hindi problema ang pagpapaluwag ng antas ng liquidity sa mga susunod na buwan. Kailangan ito para lumapit ang ekonomiya sa higher-end ng growth target na 6.5% sa 2025.

Table 1. CONSUMER PRICES YEAR-ON-YEAR (YOY) MONTH-ON-MONTH (MOM)
June July August June July August
ALL ITEMS 1.4 0.9 1.5 0.2 0.3 0.6
FOOD AND NON-ALCOHOLIC BEVERAGES 0.4 -0.2 0.9 0.9 0.1 1.2
NON-FOOD ITEMS 0.1 1.4 1.8 0.1 0.2 0.5
Alcoholic Beverages and Tobacco  

 

3.8

4.2 4.2 0.2 0.3 0.2
Clothing and Footwear  

1.7

1.8 1.7 0.0 0.2 0.2
Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels  

 

3.2

2.1 2.1 -0.5 0.2 0.7
Furnishings, Household Equipment and Routine Household Maintenance  

- Advertisement -

 

 

 

 

2.1

2.6 1.0 0.2 0.1 0.3
Health 2.4 -2.0 2.9 0.2 0.3 0.4
Transport -1.6 -2.0 -0.3 0.6 0.2 0.2
Information and Communication 0.4 0.5 0.6 0.0 0.1 0.1
Recreation, Sports and Culture 2.2 2.2 2.1 0.1 0.2 0.3
Education Services 5.4 4.3 2.9 0.2 1..4 0.4
Restaurants and Accommodation Services 2.1 2.3 2.3 0.2 0.3 0.2
Financial Services          –          –          –          –          –          –
Personal Care, and Miscellaneous Goods and Services 2.4 2.3 2.5 0.0 0.2 0.3
CORE ITEMS 2.2 0.9        2.7        0.2 0.2        0.5
FOOD 0.1 -0.5  

 

1.1

0.1 0.1 0.6
Rice -14.3 -15.9 -17.0 -1.6 -2.2 -1.8
Corn -14.5 -15.3 -11.8 1.8 4.1 0.3
Flour, Bread and Pasta Products 1.3 2.1  

 

1.5

0.1 0.3 0.2
Meat 9.1 2.1 7.1        2.0 0.7 -1.9
Fish 6.2 2.6 9.5 -0.1 0.0 2.8
Milk and Eggs 5.1 -2.0 3.8 -0.1 0.5 0.5
Oils and Fats 7.1 0.5 8.9 1.3 0.5 0.9
Fruits and Nuts 9.7 2.2 5.2 -0.5 -0.1 0.5
Vegetables -2.8 4.3 10.0 -0.2 2.9 15.8
Sugar -0.7 2.3 -0.1 -0.1 -0.1 0.0
Ready-Made Food and Other Food Products 2.2 0.0  

 

2.3

0.4 0.1 0.3
Non-alcoholic Beverages 3.7 2.3  

4.2

0.4 0.1 0.4
Source: Philippine Statistics Authority

 

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -