NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Vice President Sara Duterte dahil sa nangyaring lindol sa Cebu nitong Oktubre 1, 2025. Narito ang kanyang pahayag sa wikang Bisaya at Ingles.
Sa akong mga kaigsuonan sa Cebu ug uban pang mga isla sa Visayas,
Kinasingkasing nga pag-ampo ug pahasubo sa tanang apektado sa linog nga mitay-og sa Visayas.
Nasayod ako nga dili matungkad ang kasakit nga inyong gibati ug ang kalisod nga inyong giatubang karon. Apan taliwala sa gibilin nga kadaot sa trahedya sa inyong mga pamilya ug komunidad, dili unta kamo mawad-an og pagsalig ug paglaom. Magsilbi unta kamong tinubdan sa kakusog, kamaayo, ug kadasig sa tanan.
We are fervently praying for your safety in Cebu and other parts of the Visayas affected by the earthquake and aftershocks.
We ask God to grant comfort to those who have lost loved ones, and to provide relief and strength for those holding their families together amid property loss and damage.
May you find strength in one another, and may the legendary Visayan warmth and resilience shine through amidst this deep sorrow.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines
Narito ang salin sa Filipino:
Sa aking mga kapatid sa Cebu at iba pang mga pulo sa Visayas,
Taos-pusong panalangin at pakikiramay sa lahat ng naapektuhan ng lindol sa Visayas.
Alam kong hindi masusukat ang sakit na nararamdaman ninyo at ang hirap na kinakaharap ninyo ngayon. Ngunit sa gitna ng pananalasa ng trahedya na nangyari sa inyong mga pamilya at komunidad, nawa’y huwag kayong mawalan ng pananampalataya at pag-asa. Nawa’y magsilbi kayonng mapagkukunan ng lakas, kahusayan, at inspirasyon sa lahat.
Taos-puso kaming nagdarasal para sa inyong kaligtasan sa Cebu at iba pang bahagi ng Visayas na naapektuhan ng lindol at aftershocks.
Hinihiling namin sa Diyos na bigyan ng kaaliwan ang mga nawalan ng mga mahal sa buhay, at magbigay ng ginhawa at lakas para sa mga nagsasama-sama ng kanilang mga pamilya sa gitna ng pagkawala at pagkasira ng ari-arian.
Nawa’y makatagpo kayo ng lakas sa isa’t isa, at ang maalamat na init at katatagan ng mga Bisaya ay sumikat sa gitna ng matinding kalungkutang ito.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines