30.6 C
Manila
Biyernes, Hunyo 12, 2026

Sen Erwin Tulfo, namahagi ng libu-libong medical supplies sa mga inmate ng NBP; nangakong itutulak ang pagpapalaya sa mga overstaying na PDLS

- Advertisement -
- Advertisement -

NAMAHAGI si Senador Erwin Tulfo noong Biyernes ng libu-libong medical at hygiene supplies sa mahigit 2,000 Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa minimum-security facility ng New Bilibid Prison (NBP).

Nagbigay si Tulfo ng libu-libong kagamitan, kabilang ang antibacterial soaps, shampoo, adult diapers, folding beds, at bath at hand towels. Nagkaloob din siya ng mga wheelchair at tents. “Ang mga suplay na ito ay magdadala sa inyo ng ginhawa at magpapaalala na mayroon pa ring mga taong naniniwala sa inyong halaga,” pahayag ni Tulfo sa mga preso.

“Hindi kayo kinakalimuyan. Bahagi pa rin kayo ng ating komunidad at karapat-dapat pa rin kayo sa pangangalaga at paggalang. Ang aming pagbisita ay paalala na ang lahat ay may kakayahang magbago at may pag-asa para sa lahat hangga’t tayo ay buhay,” dagdag niya.

Ibinahagi rin ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development Chairman na patuloy niyang itutulak ang pagpapalaya sa mga overstaying at may sakit na Persons Deprived of Liberty (PDLs).

“Nakipagpulong ako kay Secretary Fredderick Vida ng Department of Justice (DOJ) at pag- uusapan namin ang pagpapalaya sa mga matatanda at may sakit na PDLs,” sabi ng mambabatas.

Nagbigay siya ng update sa mga inmate na naghain siya ng Medical Parole Act (SB 154), na naglalayong magbigay ng medical parole para sa mga bilanggo na may edad 70 pataas at sa mga may malubhang sakit.

“Ang ilan sa inyo ay humaharap sa sakit, pagtanda, at mga pagsubok na higit pa sa paghihirap. Makatitiyak kayo na kasangga ninyo ako sa Senado upang itulak ang mga polisiya na magpoprotekta sa inyo,” patuloy ng baguhang Senador.

Personal ding ininspeksyon ni Sen. Erwin Tulfo ang minimum-security facility at umaksyon sa mga pang-emergency na medikal na alalahanin ng ilang inmates.

At nangako rin siyang magbibigay ng tuloy-tuloy na suporta sa pasilidad ng kulungan sa pamamagitan ng pagtulong sa pagpapabuti ng kanilang mga pasilidad lalo na sa maayos na tulugan ng mga preso.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -