IBINALITA ni Vice President Sara ang kanyang ginagawang pagbisita sa mga naapektuhan ng mga nakaraang bagyo.
Aniya, “Binisita natin ang mga naapektuhan ng Bagyong Tino sa Taytay Integrated School sa Danao City noong nakaraang buwan.

Kasama natin ang Cebu, Bohol, Siquijor Satellite Office ng Office of the Vice President, naghatid tayo ng tulong sa mga kababayan natin na naapektuhan ng Bagyong Tino.
“Nakausap ko rin ang mga estudyante roon at ipinaalala ko sa kanila na mag-aral ng mabuti at magtapos dahil isa ito sa mga daan para sa magandang kinabukasan nila.
“Maraming salamat sa Lokal na Pamahalaan ng Danao City sa tulong at suporta na ibinibigay sa ating opisina.
“Mag-amping kita sa kanunay, mga kaigsuonan!
“Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.”



