26.1 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Leviste: Isapubliko ang alokasyon, at insentibo ng mga kongresista

- Advertisement -
- Advertisement -

IGINIIT ni Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste na isapubliko ang mga alokasyon sa mga proyekto sa bawat distrito  ng mga mambabatas at maging ang nakukuha nilang insentibo bago aprubahan ang 2026 General Appropriations Act (GAA).

Larawan mula sa The Manila Times

Sa isang pahayag kasunod ng ginanap na press briefing ni Leviste, isinawalat nito ang mga ebidensyang nagpapakitang binibigyan ang mga kongresista ng mga alokasyon na lagpas pa sa ₱401.3 bilyong “Allocable” budget para sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakalista sa mga dokumento mula sa opisina ng yumaong Undersecretary Catalina Cabral.

Inilathala ni Leviste sa magkakasunod na post sa kanyang Facebook page ang listahan ni dating DPWH Undersecretary Cabral na nagsasaad ng mga bilyon-bilyong halaga na inilaang budget sa bawat distrito.

Mga listahan

Sa unang post ng umano’y listahan ni Cabral na isinapubliko ni Leviste ang 2025 DPWH Budget per District Summary na “ibinigay” umano sa kanya ng yumaong Usec Cabral.


Saad ni Leviste sa kanyang caption: “Ang nakalagay dito na “NEP RESTORED” ay ang “Allocable”, ang taun-taon na alokasyon ng maaaring i-allocate ng District Congressman, na ang total ay ₱401.3b (na nadagdagan ng ₱30m kada distrito sa 2025, ngunit nagkakaiba ang budget ng bawat distrito). Bukod dito, may “Outside Allocable” naman na ina-allocate ng iba’t ibang mga proponents, kasama ang amendments (o insertions) sa House, Senate, Bicam, pati na rin sa NEP, kaya umabot sa ₱1.041t ang “TOTAL BUDGET” sa FY 2025 GAA.

“Para po malinaw: Ang mga budget na ito ay ginagamit ng DPWH para sa mga proyekto, at hindi po para sa proponent. At ang karamihan ng budget ay nasa labas ng “Allocable” ng mga District Congressman, at may iba pang mga proponent. Mabuting malaman ng publiko ang nilalaman ng DPWH budget upang maipagmalaki po natin ang ating mga proyekto.

“Kung maaari ko pong ulitin: Nakasulat dito ang pangalan ng District Representative, pero hindi sila ang proponent sa buong budget, ang total “Allocable” ng District Representatives ay ₱401.3b, habang ang karamihan ng budget ay nasa “Outside Allocable” ng iba pang mga proponents, kaya umabot sa ₱1.041t ang 2025 budget.

“Nagbigay na rin po ako ng kopya nito sa media para sa kaalaman ng publiko. Sana po ay hindi magalit sa akin ang aking mga kasamahan, at may iba rin naman pong sources tungkol sa DPWH budget.

- Advertisement -

Sa ikalawang listahan na mula sa source sa DPWH, ayon kay Leviste, ipinakita rito ang karagdagang impormasyon mula sa 2025 DPWH Budget per District Summary kaugnay ng mga proyektong tinutukoy bilang “Allocable”, “Outside Allocable”, “DPWH Initiated”, at “Congress Initiated” projects.

“Ang dokumentong ito ay nagmula sa ibang source mula sa DPWH at ginamit na ng PCIJ, at tumutugma sa ibinigay sa akin ni yumaong Usec Cabral, na nagpapatunay na tama ang mga halagang nasa unang listahan.

“Dito po natin makikita na hindi lahat ng mga proyekto sa isang distrito ay “Allocable” sa District Congressman, at mas malaki pa ang “Outside Allocable”. Ang mga “Outside Allocable” projects ay kadalasang hindi inisyatiba ng District Congressman, kaya hindi dapat sabihin na ang buong budget ng isang distrito ay maaari nilang i-allocate.

“Para din po malinaw: Ang mga budget na ito ay ginagamit ng DPWH para sa mga proyekto, at hindi po para sa proponent,” saad sa caption ni Leviste.

Sa kanyang pangatlong post ng mga listahan nitong nakaraang Disyembre 25, inilabas naman ni Leviste ang summary ng DPWH Budget per District ng 2023-2026.

“Dito po makikita kung saan napupunta ang DPWH budget na humigit-kumulang ₱3.5T, na katumbas ng ₱130,000 kada pamilyang Pilipino,” ani Leviste sa kanyang caption.

- Advertisement -

Nilinaw din niya na ang mga ito ay base sa datos na ibinigay ng DPWH at may pag-aapruba ni DPWH Secretary Vince Dizon.

Dagdag pa ni Leviste, tugma ito sa “FY2023-2025 GAA Summary.pdf” at “FY 2026 DPWH HGAB summary by DEO_LD.pdf”, na kasama din sa post na ito, na ibinahagi ng DPWH bilang tugon sa mga request noong deliberations ng 2026 budget, at ang files mula sa opisina ni yumaong Usec Cabral.

Saad pa ni Leviste: “Nililinaw ko po na ang 2026 HGAB figures ay may mga adjustments pa sa 2026 GAA. Ang mga datos na ito ay capital outlays para sa local projects at hindi pa kasama ang Personnel Services, Maintenance and Other Operating Expenses, at Foreign-Assisted Projects. Kasama rin po dito ang ₱213.8b na Unprogrammed Appropriations na na-release sa DPWH para sa “priority projects” noong 2023 at 2024, gaya ng iniulat ng PCIJ.

“Para sa mga nagkwekwestiyon: mas mabuting tanungin si Sec Vince o ang DPWH para kumpirmahan itong ₱3.5T DPWH budget distribution figures. Kahit wala na po si yumaong USec Cabral, si Sec Vince at ang kanyang team ay makakasagot pa.

“Dagdag ko rin po na may lumalabas nang kopya sa media ng mga files mula sa dating opisina sa DPWH ni yumaong USec Cabral. Nililinaw ko po na hindi sa akin nagmula ang inilalabas ng ibang media, at patunay ito na hindi imbento ang mga files—sapagkat may mga kopya ring nagmumula pa sa DPWH.

“Ako po ay nagpapasalamat muli kay Sec Vince at sa DPWH para sa kanilang push for transparency, at dahil sa kanila ay malalaman na ng publiko ang nilalaman ng DPWH budget. Merry Christmas po sa inyong lahat!

May kopya na ang Ombudsman at ICI

Kaugnay nito, naglabas din si Leviste ng press release kaugnay nito.

Bilang tugon sa Viber message ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro sa  mga reporters kung saan sinabi nitong tutugon lamang ang Palasyo sa mga dokumentong inawtentika ng DPWH, sinabi ni Leviste na maaari nyang kumpirmahin ang mga datos kay DPWH Secretary Dizon.

Dagdag pa niya, nagkasundo sila ng kalihim na ilabas ang mga datos nitong nakaraang Setyembre ngunit nauunawaan niya kung bakit hindi ito nailabas ng kalihim sa buwang iyon na aniya, dahil sa maraming tao na nasa listahan ang humiling na huwag itong ilabas.

Magkagayunman, pinasalamatan niya ang kalihim dahil nitong Martes, Disyembre 23,nagpasiya na ang DPWH na magbigay ng kopya nito sa Ombudsman bunsod ng panawagan ng publiko para sa transparency sa DPWH budget.

Ipinakita naman niya ang mga dokumento mula kay Usec Cabral sa ICI noong Nobyembre 18 at 19, at sa Ombudsman nitong Nobyembre 26.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -