29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Bunga ng 2026 Budget: Pinalawak na school-based feeding program, mas maraming guro — Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

MARARAMDAMAN ang makasaysayang P1.3 trilyong pondong ilalaan sa sektor ng edukasyon sa pagpapalawig sa School-Based Feeding Program at sa mga dagdag na guro at tutors, ayon kay Senador Win Gatchalian.

Naglaan ang 2026 budget ng P42 bilyon para mapunan ang mga bagong posisyong lilikhain para sa mga paaralan. Kabilang dito ang P29 bilyon para mapunan ang mahigit 32,000 posisyon para sa mga guro.

Siyam na bilyong piso naman ang ilalaan upang matiyak na bawat pampublikong paaralan ay magkakaroon ng mga tutor para sa pagpapatupad ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program.

Inaasahan namang sa ilalim ng P25.76 bilyong inilaan para sa School-Based Feeding Program, madadagdagan ang bilang ng feeding days sa 200 mula 120. Magiging saklaw ng programa ang lahat ng mga mag-aaral ng Kindergarten at Grade 1. Patuloy ding susuportahan ng programa ang mga wasted, severely wasted, stunted, at severely stunted na mga mag-aaral mula Grade 2 hanggang Grade 6.

“Ilan sa mga agarang epekto ng makasaysayang pondong inilaan natin para sa sektor ng edukasyon ang pagpapalawak sa School-Based Feeding program at pagkakaroon ng mga dagdag na guro, pati na rin mga tutors para sa ARAL

Program na tutulong sa ating mga mag-aaral na nahihirapan sa kanilang mga aralin,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Finance.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -