28.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Cayetano: Malaki ang ambag ng simbahan sa pagbabago ng bansa

- Advertisement -
- Advertisement -

 PARA kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, ang simbahan ang may pinakamalaking impluwensiya sa pagtatag ng moral standard at paglunsad ng pagbabago sa bansa.

“The greatest influence is community… Naghahanap po tayo ng pagbabago… We want the culture of heaven. Ang problema, ang culture is also dictated by the community,” wika ni Cayetano sa ‘40 Days of Prayer and Fasting’ event sa Taguig Lakeshore nitong January 11, 2026.

Sinabi ng senador na bahagi ng national transformation ang pagbabago sa kultura ng mga komunidad dahil parating naglalaban ang kulturang espiritwal (katapatan at integridad) at makamundo (korapsyon at panlilinlang). Aniya, dapat walang kompromiso sa mga kulturang ito.

Binanggit ni Cayetano ang isang Pulse Asia survey para ipakita na malinaw sa mga Pilipino na mali ang korapsyon sa mga proyektong tulad ng flood control, pero maaaring hindi nila tinitingnan na mali rin ang pag-iwas sa pagbabayad ng buwis.

“Merong Pulse Asia survey noong December. Basically, ang sinasabi niya, y’ung katulad ng mga flood control, klaro sa Pilipino na corruption iyon. Pero let’s say pandaraya sa taxes, not necessarily,” paliwanag niya.

“Again, (there’s value in) community and community standards. Iba kasi y’ung malinaw, malinaw na good and bad. Iba y’ung strategy ng demonyo na gagawing relative,” sabi niya pa.

Hinimok ni Cayetano ang mga Pilipino na tingnan ang mga isyu mula sa aspetong espiritwal. Nanawagan din siya sa simbahan na tulungan ang bansa na harapin ang mga problema at mga masamang nakasanayan sa kultura, tulad ng korapsyon at pagsusugal.

Aniya, dapat palitan ang mga mapanirang sistema ng mga sistemang makatuwiran at tama.

Hinikayat din niya ang mga komunidad ng simbahan na gawin ang kanilang papel sa muling pagbangon ng bansa.

Aniya, dapat magsilbing hakbang ang 40 araw na pag-aayuno para sa tunay na pagbabago upang matiyak na ang mga susunod na henerasyon ay magmamana ng isang bansang nakaayon sa layunin ng Diyos.

“Our prayer is not just for the church, not just for your family, not just for Taguig — it’s for the nation,” sabi ng senador.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -