DUMALO sa Vice President Sara Duterte sa taunang Sinulog Festival sa Basilica Minore del Santo Niño sa Cebu City.

Sabi ng Vice President, “Lubos ang aking kagalakan na makabalik sa Cebu City at makadalo sa unang pagkakataon sa Sinulog Novena Mass ng Sto. Niño Basilica noong Biyernes.
”Ngayong linggo ang umpisa ng pagdiriwang ng mga kababayan natin sa Cebu ng Sinulog Festival para ipagdiwang ang kapistahan ni Santo Niño.
“Ipinagdasal natin ang kapayapaan at kaayusan ng ating bayan lalo na sa Probinsya ng Cebu at mga karatig-bayan para sa kaligtasan ng ating mga kababayan.
”Pit Señor!
”Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.



