29.5 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Mga dahilan ng paggalaw ng YOY sa 2.0%, bahagyang mas mataas kaysa sa antas noong Disyembre

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

UMAKYAT nang bahagya ang YOY inflation sa 2.0% noong Enero, mas mataas kaysa sa 1.8% noong Disyembre at sa average na 1.7% noong nakaraang taon. (Table 1)

Ang mga produkto at serbisyong non-food ang nagpataas sa year-on-year (YOY) inflation sa simula ng taon. Dahil nagpapalit ang mga tindahan ng stocks ng produkto na iaalok sa mga mamimili, nagpalit din ang mga presyo ng mga bagong gawang produkto.

Sa 12 sektor sa kategoryang non-food, anim ang nakaranas ng pagtaas. Ito ang  mga restaurants na tumaas ng 4.0% mula sa 2.4%; clothing at footwear at furnishings, household equipment at maintenance, at health  sa 3.3% mula sa 2.2%, 1.9%, at 2.7%, respectively; personal care sa 2.6% mula sa 2.2%; at recreation, sports at culture sa 2.2% mula sa 2.0%. Bumaba naman ang inflation ng apat na sector-alcoholic beverages sa 3.0% mula   sa  3.3%;   transport sa -0.3% mula sa 0.3%; education; at information at communication sa 0.8% mula sa 0.9%. %. Nanatili sa dating antas ang dalawang sector— financial services (0.0% o di gumagalaw) at housing, water, electricity, gas at other fuels (2.5% pa rin).

Ang ikalawang kategorya, ang pagkain ay nakaranas ng pagbaba sa 0.7% mula sa 1.2%. May isang bagyo na dumaan sa bansa noong Enero kumpara sa wala noong Enero 2024 ngunit kaunti lang ang sira sa agrikultura na naitala sa P203.38 milyon lamang. Bumaba ang presyo ng bigas ng -8.5% dahil sa pagluwag ng importasyon hanggang Oktubre noong nakaraang taon, at asukal ng -0.1% dahil sa masaganang ani noong 2024.  Ngunit mataas ng inflation ng mais sa  7.3% kahit na lumago ng 3.4% and produksyon noong 2025 dahil sa base effect. Mababa ang presyo ng mais noong nakaraang taon.

Sa kabilang dako, bumaba ang inflation ng  gulay ng sa 3.3% mula sa 11.6% noong Disyembre, karne sa 1.2% mula sa 3%, cooking oil sa 9.3% mula sa 9.5%, at isda sa  7.3% mula sa 9.0% dahil sa mas mataas na supply, ngunit tumaas naman ang non-alcoholic beverages sa 4.5% mula sa 4.1% dahil sa mas mababang supply.


Masagana rin ang ani ng sugar cane na umakyat ng 56.3%, coffee na umakyat din ng 10.7%, at manok at itlog na lumobo ang produksiyon ng 9.1%. Ngunit ang ani ng other agricultural crops ay natamaan ng bagyo at matubig na taniman kaya lumago lang ang produksyon ng 1.1%. Ganoon din ang mga ani ng ilang gulay gaya ng mongo, repolyo, kamatis, kamote at kamoteng kahoy kung saan ang taniman (area harvested) ay bumaba.  Tumaas ang YOY inflation ng ready-made food at other food products (2.7%); fruits at nuts (3.4%); flour, bread at pasta products (1.7%);  at milk at eggs (1.1%).

Taliwas sa galaw ng YOY inflation, bumaba nang bahagya ang  month-on-month  (MOM)     inflation    ng  0.8%.  Umakyat ang inflation ng non-food items ng 0.6% mula sa 0.1% ngunit bumaba ang  sa food items ng 0.8%.

Batay sa MOM inflation, bumaba  ang presyo ng pagkain ng 0.8% mula sa 2.1% noong nakaraang buwan.   Bumagsak ang MOM inflation ng apat na items kasama ang gulay (-3.8%%);  mais (-2.1%); karne  (0.2%); at non-alcoholic beverages (0.6%). Ang malakihang pagbagsak ng MOM inflation ng gulay ang siyang nangibabaw. Umangat naman ang MOM inflation ng walong items kasama ang  bigas (3.5%); fruits at nuts (2.5%); isda (2.0%); oils at fats (0.9%);  flour, bread at pasta products (0.9%); ready-made food (0.6%); gatas at itlog (0.2%); at asukal (0.2%).

Sa non-food category naman, umakyat ang pitong items, di gumalaw ang tatlo; at lumagapak ang dalawa.  Kasama sa mga umakyat ang rentals at accommodation services (1.7%); furnishings, household equipment at maintenance (0.6%); health (0.5%); recreation, sports at culture (0.5%); personal care (0.6%); at alcoholic beverages (0.6%).  Di natinag ang housing at utilities (0.0%); financial services (0.0%); at education (0.0%).  Dalawa ang bumagsak kasama ang clothing at footwear (0.1%); at transport (-0.4%).

- Advertisement -

Ang pag-akyat ng MOM inflation ay kasabay ng pagpapalit ng mga stock ng mga tindahan pagkatapos ang Pasko ngunit bumaba ang inflation ng ibang fast-selling items noong Pasko gaya ng damit dahil pababa ang demand.

Ang pagbaba ng transport ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado dahil sa mataas na produksyon, mahinang consumer demand, at paghuli ng pangulo ng Venezuela ng Estados Unidos.  Bumaba ang average Dubai crude oil price noong Enero sa $61.67 kada bariles, 23.0% na mas mababa kaysa sa antas nito na $80.14 noong nakaraang taon.

Umakyat ang core inflation sa YOY inflation na 2.8% dahil ang presyo ng non-food items ang umakyat na siyang nagda-drive sa core inflation; ganoon din ang MOM core inflation na nagulantang mula sa 0.0% sa antas na 1.8%. Ngunit ang mga lebel na ito ay nasa loob ng 2-4% target inflation range. Ang ibig sabihin, banayad pa rin ang inflation at inaasahang ipagpapatuloy ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang  pagbaba ng liquidity at policy rate mula sa 4.5% ngayon.  Inaasahan ding aangat ang paglago ng ekonomiya sa mas mataas na antas sa hinaharap. 

TABLE 1. CONSUMER PRICES, November 2025-January 2026  
    YEAR-ON-YEAR (YOY)  MONTH-ON-MONTH (MOM)
 November  December January  November  December January
 ALL ITEMS 1.5 1.8 2.0 0.2 0.9 0.8
 FOOD AND NON-ALCOHOLIC BEVERAGES 0.1 1.4 1.1 0.2 2.1 0.8
 NON-FOOD 2.4 1.2 2.5 0.2 0.1 0.6
 Alcoholic Beverages 3.6 3.3 3.0 0.1 0.2 0.6
 Clothing and Footwear 1.8 2.2 3.3 0.2 0.4 0.1
 Housing, Water, Electricity, Gas and other Fuels 2.9 2.5 2.5                         0.0  0.0   0.0  
 Furnishings, Household Equipment and Maintenance 2 1.9 3.3 0.1 0.1  1.0
 Health 2.7 2.7 3.3 0.2 0.2 0.5
 Transport 1.7 0.3 -0.3 1.2 -0.2 -0.4
 Information and Communication 0.7 0.9 0.8 0.0 0.1 0.2
 Recreation Sports and Culture 2.1 2.0 2.2 0.2 0.0 0.5
 Education 3.0 3.0 2.8 0.0 0.0 0.0
 Restaurants and Accommodation Services 2.6 2.4 4.0 0.4 0.1 1.7
 Financial Services 0.0 0.0 0.0 0.0 0.0 0.0
 Personal Care 2.4 2.2 2.6 0.2 0.1 0.6
 CORE ITEMS 2.4 2.4 2.8 0.2 0.0 1.8
 FOOD -0.3 1.2 0.7 0.2 2.3 0.8
 Rice -15.4 -12.3 -8.5 0.4 2.8 3.5
 Corn -4.1 7.3 6.5 2.0 9.3 -2.1
 Flour, Bread and Pasta Products 1.6 1.8 2.6 0.1 0.3 0.9
 Meat 4.2 3.0 1.2 -1.2 0.4 0.2
 Fish 8.6 9.0 7.3 1.5 1.1 2.0
 Milk and Eggs 1 0.9 1.1 -0.3 0.1 0.2
 Oils and Fats 9.7 9.5 9.3 0.6 0.4 0.9
 Fruits and Nuts 1.6 2.1 3.4 0.6 1.7 2.5
 Vegetables 4 11.6 3.3 0.1 12.5 -3.8
 Sugar -0.3 -0.5 -0.1 -0.1 -0.3 0.2
 Ready-Made Food and Other Food Products 2.1 2.3 2.7 0.1 0.1 0.6
 Non-alcoholic Beverages 4 4.1 4.5 0.2 0.3 0.6
 SOURCE: Philippine Statistics Authority

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -