29.5 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Valentine’s Day ni VP Sara kasama ang mga Lolo at Lola

- Advertisement -
- Advertisement -
IPINAGDIWANG ni Vice President Sara Duterte ang Araw ng mga Puso kasama ang mga Lolo at Lola sa Brgy. Pembo, Taguig City.
Masaya niyang ibinalita ang kanyang naging karanasan.
“Labis ang aking kasiyahan na nakapiling ang ating mga lolo at lola mula sa Barangay Pembo, Taguig City sa mismong Araw ng mga Puso. Kasabay ito sa inilunsad na pagtitipon ng mga senior citizens sa nasabing lugar na may temang: Love Through the Years, A Senior Valentine’s Day Gathering.
“Namahagi tayo ng mga bulaklak bilang simbolo ng ating pagpapasalamat sa kanilang paggabay at pagmamahal sa atin at sa ating mga anak. Ang kanilang mga turo at karunungan ang nagiging gabay natin upang maging matagumpay sa buhay.
Nagagalak akong nakapiling at naipadama sa kanila ang ating pagmamahal sapagkat ang mga Senior Citizens ay kabilang sa mga prayoridad na maserbisyohan ng ating mga programa sa Tanggapan.
“Maraming salamat sa lahat ng bumubuo sa Lokal na Pamahalaan ng Pembo sa binigay na pagkakataon na makasama ang ating mga lolo at lola.”
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -