26.2 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

VP Sara humanga sa tapang ng mga rebelasyon ng mga dating security personnel ni Zaldy Co

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng pahayag si Vice President Sara Duterte hinggil sa mga naging rebelasyon ng umano’y mga dating security personnel ni Zaldy Co kamakailan tungkol sa diumano’y pakikipag-ugnayan ng ilang opisyal ng Pilipinas sa mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) at kung ano ang ginagawa nila dito sa Pilipinas.

“Hanga ako sa tapang ng mga dating security personnel ni Zaldy Co na naglakas-loob magsalita batay sa kanilang personal na kaalaman tungkol sa mga usaping matagal ko nang nalalaman. Hindi pangkaraniwan ang kanilang ginawa dahil posibleng buhay nila ang kapalit sa paglabas ng katotohanan,” pahayag ng ikalawang Pangulo sa kanyang opisyal na Facebook page.

Matatandaan na ang 18 diumano’y dating miyembro ng Philippine Marines at Navy ay nagsalita sa isang press conference ni Levito “Levi” Baligod, abogado ng mga dati umanong security personnel ni Co, at sinabing nagsilbi silang “bagmen” o tagapagdala ng mga bag na nagde-deliver ng mga bagahe ng mga pera sa ilang matataas na opisyal ng gobyerno.


Ayon sa 18 sundalo, nag-deliver sila ng P805 bilyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dating House Speaker Martin Romualdez ng Leyte at dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Ayon pa rin sa mga dating sundalo, nag-deliver din sila ng pera kay dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV at sa mga staff ng International Criminal Court (ICC), na nagsasagawa ngayon ng mga hearing kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong “crimes against humanity” sa The Hague sa Netherlands.

Pagpapatuloy ni VP Sara, “Mula pa noon ay mayroon nang mga impormasyon hinggil sa umano’y pakikipag-ugnayan ng ilang opisyal ng Pilipinas sa mga imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) at kung ano ang ginagawa nila dito sa Pilipinas.

“Bunga nito, pormal akong sumulat sa Pangulo upang makuha on record ang posisyon ng Administrasyon. Ang naging tugon niya ay, “We will not cooperate in any way, shape, or form”—isang tahasang pagkilala na ang mga hakbang ng ICC ay itinuturing na paglapastangan sa soberanya ng Pilipinas,’ balik tanaw ni VP Sara.

- Advertisement -

Di dapat ipagwalang-bahala

“Ngayon, ang mga testimonya ng mga dating security personnel ni Zaldy Co ay lalo pang nagpapatibay sa mga nauna ko nang babala kay dating Pangulong Duterte at Senador Bato dela Rosa tungkol sa presensya ng ICC sa loob ng Pilipinas, hanggang sa mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-kidnap sa aking ama. Ang mga impormasyong ito ay hindi maaaring isantabi o ipagwalang-bahala.

“Ang usaping ito ay hindi usaping pampulitika. Hindi ito simpleng alitan ng mga personalidad. Ito ay tungkol sa pangunahing prinsipyo ng ating pambansang soberanya, at sa limitasyon ng panghihimasok ng mga dayuhang institusyon sa domestic affairs ng ating bansa.

“Sovereignty is not a principle to be invoked when convenient and abandoned when expedient. Sovereignty should not depend on who benefits and should not shift with political winds.

“When we weaken the principle of sovereignty, we do not only affect one leader or one family. We affect the dignity of our country and the trust of our people in the institutions meant to protect them.”

Paglilinaw

- Advertisement -

Samantala, nilinaw ng Philippine Navy na apat sa 18 sundalo ay hindi mga miyembro ng Philippine Navy o ng Philippine Marine Corps.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng kanilang spokesperson na si Capt. Marissa Arlene Martinez na base sa opisyal na records, ang apat ay hindi miyembro ng Philippine Navy o ng Philippine Marine Corps matapos beripikahin ang mga pagkakakilanlan at service recors ng mga ito.

Idinagdag pa niya na karamihan sa mga ito ay “dishonorably discharged” sa kanilang mga serbisyo.

Ipinagkibit-balikat ng Malakanyang

“Paulit-ulit na kasinungalingan laban sa Pangulo. Lousy script, hindi pang-award-winning. Hindi malinis, alam mo na mga kasinungalingan,” sabi ni Palace Press Officer Claire Castro.

Nang tanungin kung magsasampa ng reklamo ang Palasyo laban kay Baligod at mga sinasabing Marines, sinabi ni Castro na nasa mga pulis at National Bureau of Investigation na ang bahalang mag-imbestiga laban sa mga taong nagkakalat ng “fake news”.

Trillanes, itinanggi ang paratang

Mariing itinanggi ni dating Senador Trillanes and umano’y alegasyong tumanggap siya ng $2 milyong halaga mula kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co para asikasuhin ang mga pangangailangan ng ICC investigators.

“ I vehemently deny that I received $2M or any amount from Zaldy Co for the ICC investigation or any other purpose,” post ni Trillanes sa kanyang Facebook page nitong Martes, Pebrero 24, 2026.

Ayon kay Baligod, “Ibinigay kay Sonny Trillanes ang pondo para sap ag-asikaso sa mga ICC investigators na ito. Kaya naman po lahat ng  sasakyan na ginamit, lahat ng hotel accommodations ay sinagot ni Zaldy Co at saka ni Sonny Trillanes.”  na ginamit, lahat ng hotel accomodations ay sinagot ni Zaldy Co at saka ni Sonny Trillanes.”

Ayon kay Trillanes, paraan lamang daw ito upang sirain ang magaganap pang mga pagdinig ng ICC sa mga kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“This is an attempt to discredit the ongoing ICC proceedings against Duterte,” aniya.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -