PINAPAYUHAN ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang lahat ng Overseas Filipino Workers na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng Philippine Embassy at lokal na awtoridad kaugnay ng kasalukuyang sitwasyon sa seguridad sa rehiyon.
Nakikipag-ugnayan nang tuloy-tuloy ang OWWA, Migrant Workers Office, at mga Embahada ng Pilipinas upang matiyak ang kaligtasan at agarang suporta para sa ating mga kababayan.
Paalala:
- Subaybayan lamang ang opisyal na anunsyo ng Philippine Embassy at host government
- Alamin ang pinakamalapit na evacuation site o shelter
- Iwasan ang mga lugar na may banta sa seguridad
- Panatilihing bukas ang komunikasyon sa pamilya at awtoridad
Para sa agarang tulong, makipag-ugnayan sa hotline numbers ng mga sumusunod na Embahada at MWO/OWWA.




