26.1 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Bam Aquino nais bigyan ang Pangulo ng kapangyarihang suspendihin ang excise tax sa oil products panahon ng nat’l, global emergencies

- Advertisement -
- Advertisement -

UPANG maibsan ang epekto ng biglaang pagtaas ng presyo ng gasolina sa mga Pilipino, naghain si Senador Bam Aquino ng panukalang magbibigay sa Pangulo ng kapangyarihang suspendihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo sa panahon ng pambansa o pandaigdigang krisis pang-ekonomiya.

Layunin ng Senate Bill No. 1923 ni Aquino na amyendahan ang Section 148 ng National Internal Revenue Code of 1997 upang pahintulutan ang Pangulo na suspendihin ang koleksyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa kapag may national emergency o kung nakataya ang kapakanan ng publiko, batay sa rekomendasyon ng Secretary ng Department of Finance.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -