28.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

China,  ayuda sa  PH  

ULTIMONG BIGWAS 

- Advertisement -
- Advertisement -

WALANG kaabug-abog, hupa ang mga tensyon sa West Philippine Sea. Samantalang ang mga kagyat na lumipas na panahon ay sinaksihan ng madalas na iringan ng China Coast Guard at Philippine Coast Guard sa kanya-kanyang pag-giit ng soberaniya sa pinag-aagawang karagatan, ang biglang pagsambulat ng labanan sa pagitan ng Iran at ng tambalang US-Israel ay lumilitaw ngayon na lumikha ng himala.

Ang halos araw-araw na balita na mga malapit nang banggaan ng CCG at PCG ay naglaho na. Kapalit ng mga ito ay ang mga paghahayag sa Giyerang Gulp, partikular ang krisis sa langis na likha ng digmaan.

Binibili ng Pilipinas ang 98 porsiyento ng kanyang langis mula sa Gitnang Silangan. Ang pagkasara ng Strait of Hormuz ay umepekto sa suplay ng krudo upang tumagal na lamang ito hanggang sa katapusan ng Abril.

Saan kukuha ng langis ang Pilipinas?  Dito pumapasok ang China.

Sa isang paraan na ganap na kaiba sa nakagawian nang popular na mapandigmang paghahayag sa media, sinabi ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas na hindi ipagkakait ng China sa Pilipinas ang  kanyang langis sa kabila ng kanilang alitan sa West Philippine Sea.    Batay sa mga nagaganap na negosasyon para sa Declaration of Conduct (DOC) on South China Sea, hindi iniisip ni Kalihim Ma. Theresa Lazaro ng DFA na rerestriktuhan ng China ang pagluluwas ng langis sa Pilipinas.


Ani Lazaro,  masyado siyang abante kung tumingin. May mga nagaganap na diskusyon, pahayag niya sa isang ambush interview sa gilid ng Federation of Philippine Industries forum kamakailan sa Taguig City.

Ang paniniyak ay alinsunod sa  panuntunan na sinilyuhan ni kararaang Embahador ng China Huang Xilian at Kalihim Lazaro: “diplomasyang nakatuon sa hinaharap.”  Mahigpit din itong pinanghahawakan ni kasalukuyang Chinese Ambassador sa Pilipinas Jing Quan.

Sa ganyang panuntunan, walang puwang ni anuman upang ang China at Pilipinas ay humantong sa pag-aaway.  Tiyak, walang bansa ang magpaplano upang wasakin ang sarili.

Oh, napag-uusapan na rin lang. Nandiyan nga pala ang military industrial complex ng Amerika na responsable sa pagpapasabog ng mga giyera sa paikut ng mundo.

- Advertisement -

Tama, subalit isipin ninyo. Nakapagpasiklab na ba ang Amerika ng giyera laban sa sarili?   Wala tayong alam na ganun.

Maliban na marahil sa nagaganap na krisis sa Gitnang Silangan na bagama’t nilayon ng Amerika bilang pangwasak sa Iran sa habampanahon ay mabilis nang tumutungo ngayon sa ganap na pagkadurog ng Amerika.

Isang halimaw na miscalculation ng Amerika – hindi totoo sa ugnayang  China-Pilipinas.  Iminungkahi ni Lazaro ang pagpapatuloy ng dayalogo sa pagpalaot sa sa salimuot ng ugnayang Chino-Pilipino.  K

asabay ng iba pang bansa, inanunsyo ng China ang pagrestrikto sa pagluluwas ng langis simula Marso 2026 upang siguruhin ang pansariling suplay sa harap ng lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan.  Hindi malakas na nakaasa ang Pilipinas sa China para sa krudong langis. Mas nakasandal ito sa mga imbakan ng rehiyon tulad ng Singapore at South Korea para sa refinidong petroleo.

Subalit ang mga kasalukuyang negosasyon sa pagitan ng Asean at China para sa Declaration of Conduct (DOC) on the South China Sea ay pinabibilis, na kapwa panig ay naglalayong makagawa na pinal na kasunduan sa 2026 sa ilalim ng chairmanship ng Pilipinas sa blokeng rehiyunal.

Maaga pa ngayong taon, ang mga pag-uusap sa Cebu ay nakasentro sa legal na pagkakabuklod ng kasunduan at sa heyograpikong saklaw sa harap ng mga nagpapatuloy na tensyong rehiyonal. Maaaring saklawin ng DOC ang usapin tungkol sa langis at enerhiya, mga isyung pinalitaw lamang ng biglang pagsambulat ng giyera sa Gulp.  Sa ganitong kalagayan, hindi nga malayo na isaisantabi ng China ang mga isyung political sa hidwaan sa South China Sea pabor sa pagpapangibabaw sa mga alalalahaning pang-enerhiya at pagkain.

- Advertisement -

Hawak ng China ang isa sa pinakamalaking reserbang emergency sa langis, tinatayang nasa pagitan ng 900 milyon at 1.4 bilyon bariles sa Marso 2026, kumakatawan sa halos tatlong buwang pag-angkat. Napatunayang reserbang domestiko (pansarili) ay humigit- kumulang 26 bilyon bariles.

Inaangkat ng China ang kanyang langis sa pangmundong saklaw mula sa 50 bansa, na kalakhan ay mula sa Saudi Arabia at Iran.  Ang pinakahuling inpormasyon na ating nasagap tungkol sa Hormuz Strait ay, ang China kasama ng ilan pang kaalyadong mga bansa ay pinahihintulutan ng Iran na maglayag sa kritikal na katubigan.

Dagdag pa, pinahihintulutan ding maglayag sa strait kung ang mga kargamentong langis ay binayaran ng yuan, ang salapi ng China. Idagdag pa panghuli na China ang pinakamalaking importador ng langis mula sa Rehiyong Gulp.

Lahat nang ito ay naglalarawan sa China bilang mabisang pangontra sa kawalan ng enerhiya bunga ng giyera sa Gulp.  Kailangan mo lang talagang makipag-buddy-buddy, ika nga, sa China.  Subalit ni hindi iyan ang imposisyun ng China.  Tulad ng napatunayan nang kadalasang gawi,  sa lahat ng mga pagkakataon na ang Pilipinas ay nasadlak sa kalamidad – ang pamiminsala ng bagyong Yolanda, halimbawa, na roon ay agarang nagpadala ang China ng Hospital Ship upang tumugon sa mga pangangailangan ng libu-libong sinalanta ng hirap, sakit at gutom,  o sa pananalasa ng Covid-19 na ang China ay ganun din kaagad nag-donate ng milyong doses ng Sinovac na nagligtas sa buhay ng milyung Pilipino – laging naroroon ang China upang mag-alay ng mapagpalang kamay.

Iwing pagiging makatao at tapat na pakikipagkapatiran ang tanging nagtutulak sa China upang umayuda sa Pilipinas na lagpasan ang krisis sa pagkain at enerhiya.

Inamin ng pamahalaan na hanggang Abril na lamang ang itatagal ng langis na imbak ng Pilipinas.  Dinirektahan ni Presidente Marcos Jr. ang DFA at ang Departamento sa Enerhiya (DOE) na maghanap ng mga alternatibong pagkukuhanan ng enerhiya.

Tinawag ni Lazaro ang mga Asean foreign ministers sa isang emergency meeting, na roon, dagdag sa panawagan ng mga kasapi ng pagpapahupa ng mga tensyon sa Gitnàng Silangan, ay pinansin niya na ang mga Asean energy minister ay nagkasundo na sa isang mekanismo na pagaganahin oras na ang krisis sa langis ay pumalo na sa  itinadhanang hangganan.

Pinasabihan na ng DFA ang mga embahada ng Pilipinas na makipag-ugnayan sa kanya-kanyang host na pamahalaan upang tumuklas ng mga alternatibong pagkukuhanan ng enerhiya.

Samantala, tiniyak ni Pangulong Marcos na naghahanap ang pamahalaan ng mga karagdagang ayuda upang pagaanin ang bigat ng tumataas na presyo ng langis.

Si Marcos ang kauna-unahang puno ng estado na nagdeklara ng national emergency sa enerhiya.  “Ang problema ay, pabagu-bago ang presyo ng langis. At hindi natin ito mapapangunahan. Kaya lagi na lang tayong nakikibagay.”

Magkaganunman, siniguro ng presidente na nasasagawa ang pamahalaan ng mga hakbang upang pagaanin ang hambalos ng mga tumataas na gastos at ang suplay ng langis at pagkain ay nananatiling sapat.  Kung alam lang ng pangulo, hindi siya dapat masyadong nag-aalala.  Ang talagang problema, hindi pa gagap ng presidente na ang minimithing pangkabuuang ayuda sa kanyang mga problema ay naririyan lamang sa kanto naghihintay – China.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -