30 C
Manila
Huwebes, Hunyo 11, 2026

Mas abot-kayang tahanan at mas maayos na kalidad ng pamumuhay para sa bawat Pilipino

- Advertisement -
- Advertisement -

HINDI na kailangang manatili sa pansamantalang tirahan o makisiksik sa mga kamag-anak, dahil mas posible na ang pagkakaroon ng sariling tahanan na ligtas at abot-kaya sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program.

Sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Palayan City Township sa Nueva Ecija, ipinakita ang patuloy na pagsasakatuparan ng programang ito sa isang komunidad na may central park at palaruan, clubhouse, at mga pasilidad tulad ng basketball at tennis courts at swimming pool na nagbibigay espasyo para sa pahinga, ehersisyo, at pakikipag-ugnayan.

Bahagi ang proyektong ito ng isang 12-ektaryang vertical housing development na may target na mahigit 6,000 housing units para sa mga pamilyang Pilipino.

Dito, ang mga pamilya ay hindi lamang nagkakaroon ng sariling tahanan, kundi ng mas maayos, mas malusog, at mas marangal na pamumuhay.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -