32.8 C
Manila
Huwebes, Hulyo 2, 2026

Lacson: ‘Senate Protective Custody,’ hindi na justifiable kapag may utos ng korte ng PH na isuko siya; dapat gamitin ang legal remedies

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG “Senate protective custody” na ipinagkakaloob ngayon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ay hindi na magiging makatwiran kapag may inilabas nang utos ang isang korte sa Pilipinas na isuko siya sa International Criminal Court (ICC) – kung hindi ito babaligtarin ng Korte Suprema, ani Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Miyerkules.

Iginiit din ni Lacson na may mga legal remedies na pwede niyang gamitin sa kanyang sitwasyon.

“Senate protective custody: legal or not, it cannot be justified anymore when a domestic court issues an order to surrender Senator de la Rosa to the jurisdiction of the ICC, unless the Supreme Court restrains or reverses the order,” aniya sa X.

Muling iginiit din ni Lacson na dapat gamitin ni dela Rosa, ang dati niyang tauhan sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) na lumutang sa gitna ng pagbabago ng liderato sa Senado nitong nakaraang Lunes, ang lahat ng legal na remedyo na nakalaan para sa kanya.

Binanggit ni Lacson na noong nagtatago siya bilang “fugitive from injustice” noong 2010s, ginamit niya ang “existing and valid jurisprudence” na Miranda v. Tuliao (G.R. No. 158763, March 31, 2006) kung saan ang isang akusado ay maaaring mag-file ng “certain motions — such as a motion to quash a warrant of arrest — even if he is not yet under custody of the law” – bagama’t ito ay na-supersede ng bagong Supreme Court ruling kung saan mas limitado ngayon ang karapatan.

Muling binigyang-diin ni Lacson na dapat kilalanin at igalang ang kapangyarihan ng mga domestic court, kabilang na sa mga usaping may kaugnayan sa ICC.

“International warrant yan, bound tayo ng treaty pero kailangang bigyan natin ng pagpapahalaga ang domestic court. So may international warrant, kailangan dalhin muna natin sa local court na siyang mag-i-issue kung ano ang authorization or subsequent warrant of arrest para ipatupad ang arrest warrant na in-issue ng ICC,” aniya sa panayam sa DZBB.

Samantala, balak ni Lacson na linawin ang Senate Resolution 395, na kanyang nilagda kasama sina Sen. Francis Pangilinan, Vicente Sotto III, Risa Hontiveros at Benigno Aquino IV. Sa resolusyon, hinimok si dela Rosa na mag-“voluntarily surrender” at humingi ng “judicial remedies in accordance with the Philippine Constitution and applicable laws and rules.”

“My understanding of the proposed Senate resolution is for Sen. dela Rosa to voluntarily surrender after seeking and exhausting all judicial remedies but failing to get judicial relief. I will have this matter further clarified during the interpolation and amendment of the proposed resolution,” aniya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -