24.5 C
Manila
Linggo, Hunyo 14, 2026

‘Hindi maibabalik ng sorry ang buhay ng anak ko’

- Advertisement -
- Advertisement -

HINDI naitago ng ina ng namatay na estudyanteng si Rene Clert Baterbonia ang sama ng loob matapos mapanood si Ateneo head coach Tab Baldwin na humingi ng tawad sa publiko sa pamamagitan ng Facebook page ng Ateneo de Manila University nitong Huwebes ng gabi.

Ito ang kauna-unahang pagakakataon na nagsalita ni Baldwin matapos malunod at mamatay sina Baterbonia, 19, at Divine Adili, 21, sa team-building activity sa Dipaculao, Aurora, nitong Hunyo 8.

Para sa ina ni Rene na si Rovelyn hindi matutumbasan ng paghingi ng tawad ang paliwanag at accountability na kanyang hinihiling.

“Hindi maibabalik ng ‘sorry’ o paghingi ng tawad ang buhay ng aking anak,” post niya sa Facebook na nasusulat sa Cebuano na sinasagot ang post ni Baldwin.

ito ang original post ng ina ni Rene sa Facebook, “Dli madala sa apologies ang kamatayon sa Akong anak para ka mahibalo ang Ako gusto na ipahayag ninyo Kong onsa jud ang nahitabo nganong mo ingon mo na accident lang ang nahitabo sa Akong anak botang nko accident lang pro Wala ko ninyo ko na update Kong naonsa na nahitabo nag post namo sa social media na na Patay na Akong anak pro Wala pa mo na sent sa akoa na picture na pagkamatuod Patay na jud Akong anak.”


Dumating na ang labi ni Rene sa Davao at dadalhin sa Augustan del Sur kung saan siya ilalagak sa kanyang huling hantungan.

Samantala, bibigyan ng Ateneo de Davao University ng scholarship ang anim na kapatid ni Rene.

Matapos ang Banal na Misa na isinagawa para kay Rene Clert “Bobet” Baterbonia, sinabi ni Fr. Karel San Juan, Ateneo de Davao University president, na magkakaloob ang unibersidad ng full scholarships mula Basic Education hanggang Kolehiyo sa lahat ng kapatid ni Rene.

Ayon kay Fr. Karel, ito ay isang maliit ngunit taos-pusong paraan ng unibersidad upang makatulong sa pagtupad ng isa sa mga pangarap ni Bobet: ang magkaroon ng mas magandang kinabukasan ang kaniyang anim na kapatid.

- Advertisement -

.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -