30.8 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Service contracting payouts aa drivers at operators, umabot na aa P4.7-B; Libreng sakay ridership, pumalo na sa 53.2 milyon

- Advertisement -
- Advertisement -

MANILA—Mahigit P4.7-bilyon na ang kabuuang halaga na naipamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga kalahok na mga tsuper at operators sa Service Contracting Program bilang parte ng payout at incentives sa ilalim ng Republic Act 11494 o Bayanihan to Recover as One Act at General Appropriations Act (GAA).

Sa pinakahuling tala ng LTFRB, ang kabuuang kabayaran at insentibo sa mga tsuper at operators sa Service Contracting Program Phase I ay nagkakahalaga ng P1,907,192,708, as of June 30, 2021, habang umabot na sa P2,289,506,007 ang halagang naipamahagi ng ahensya mula September 13, 2021 hanggang October 23, 2021.

Sa pagpapatuloy naman ng Service Contracting Program Phase II sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA), mahigit P539,672,859 na ang kabayarang naipamahagi sa mga tsuper at operators mula September 13, 2021 hanggang October 23, 2021.

Paliwanag ni Transportation Secretary Art Tugade, magpapatuloy ang Service Contracting Program sa iba’t-ibang parte ng bansa bilang tulong sa mga tsuper at operators na na-apektuhan ng COVID-19 pandemic.

“Inaanyayahan namin ang mga drayber at operator na lumahok sa Service Contracting program, na kung saan babayaran sila ng gobyerno on a per kilometer run basis habang sinisiguro na mananatiling viable ang kanilang pagpapasada. Malaking tulong ‘ho ito para tuluy-tuloy ang kita sa gitna ng pandemya” ani Secretary Tugade.

Samantala, bilang bahagi pa rin ng Service Contracting program, umabot naman sa 53,226,651 ang kabuuang ridership ng ‘Libreng Sakay’ na nagsisilbi sa medical frontliners, authorized persons outside of residence (APORs) at iba pang essential workers.

Ayon sa datos ng LTFRB, nasa 31,653,982 milyon ang ridership ng ‘Libreng Sakay’ mula March 30, 2021 hanggang June 30, 2021, habang pumalo naman sa 21,572,669 milyon ang ridership na napagserbisyuhan ng programa mula September 13, 2021 hanggang October 24, 2021.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -