26 C
Manila
Martes, Oktubre 8, 2024

Water impounding facilities, at hindi dams ang mas kailangan ng mga magsasaka: Bongbong

- Advertisement -
- Advertisement -

Sinabi ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. nitong Lunes na mas matutugunan ng mga water impounding facilities ang pangangailangan sa irigasyon ng mga magsasaka kaysa ang pagpapatayo ng mga bagong dams.

“Mas magastos at mas mahaba ang oras na gugugulin kung susubukan mong ayusin ang problema sa irigasyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga panibagong dam. Mabilisan ang pangangailangan rito at dapat ang solusyon ay iyong madaling maipatupad.  Kaya’t sa aking paniniwala, ang mga water impounding facilities ang sakto para rito,”  sinabi ni Marcos.

Ayon sa 2020 Status of Irrigation Development Report ng National Irrigation Administration (NIA), aabot sa 3,128,631 milyong ektarya ang irrigable areas sa bansa. Sa numerong ito, 2,006,054 milyong ektarya o 64.12% lamang ang inaabot ng irigasyon.

“Panahon na upang maging agresibo tayo pagdating sa mga irrigation targets. Kampante ako na kaya nating maabot ang 100% coverage ng ating mga irrigable areas. Ang irigasyon ang isa sa mga pinakaimportanteng sangkap upang mapalakas natin ang sektor ng agrikultura at ito rin ang isa mga magiging haligi ng aking binubuong agriculture program,” ayon pa kay Marcos.

Kamakailan, sinuportahan ni Marcos ang naging hakbang ng pamahalaan na ilipat ang pagpapatakbo ng NIA sa Department of Agriculture (DA).

Ayon pa sa kanya, dahil nasa DA naman ang mga data, mga programa, gamit at mga eksperto, mas magiging madali ang koordinasyon sa bawat tanggapan upang matupad ang kanilang mga mandato.

“Iisa lang naman ang layunin ng DA at NIA at ito ay masigurado ang food security ng bansa. Ang pag-transfer ng NIA sa DA ay inaasahang magpapataas ng food production sa buong bansa. Ang pinagsamang programa nila ay makakatulong upang madevelop ang sektor ng agrikultura na siyang susi sa pagbangon ng ating ekonomiya,”  dagdag ni Marcos.

Sinabi rin ni Marcos na ang paparating na pamahalaan ay dapat magpatupad ng isang holistic na programa na siyang muling bubuhay sa sektor at pagmumulan ng dagdag kita para pang-pondo sa mga programa para sa mahihirap.

“Marami tayong magagawa para sa sektor ng agrikultura. Maliban sa mga pagbabago sa polisiya, dapat ring magbigay ng karagdagang suporta sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga modernong post-harvest facilities, mga pautang at mga imprastraktura gaya ng farm to market roads,”  ayon pa kay Marcos.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -