25 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 7, 2024

PVL sinimulan na

- Advertisement -
- Advertisement -

TATLONG buwan matapos magkampyon ang Creamline sa All-Filipino Conference ng Premier Volleyball League magpapatuloy ang kanilang kampanya, kasama ng mga bagong team at mga bagong manlalaro ng liga, na nag-umpisa ng 2023 PVL Invitational Conference kahapon, Martes sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City.

Una sa naglaban mula sa Pool B ang Farm Fresh Foxies kontra sa F2 Logistics Cargo Movers kahapon ng 1:30 ng hapon.

Isa sa talong bagong koponan ang Farm Fresh Foxies na ibinandera ang una nilang manlalaro na si Mycah Go, sa twitter post nito noong Hunyo 4.

Si Go, na tinaguriang Most Valuable Player ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 97, ay nagmula sa College of St. Benilde Lady Blazers kung saan naging kampyon sila ng dalawang season (Season 97 & Season 98) sa NCAA, ayon sa ulat ng The Manila Times.

Samantala, nagpalakas naman ng kanilang hanay ang F2 Logistics matapos kuhanin ang serbisyo ng La Salle duo Jolina de la Cruz at Mars Alba at ang opposite spiker ng Far Eastern University na si Jovelyn Fernandez. Ang tatlong rookie ng F2 ay bahagi ng UAAP Season 85 Mythical Team.


Pagpatak naman ng 4:00 ng hapon, sunod na nagtunggali mula rin sa Pool B ang Cignal HD Spikers at Petro Gazz Angels.

Katulad ng F2, may bagong manlalaro rin ang HD Spikers, ang rookie na si Vanie Gandler mula sa Ateneo at ang muling nagbabalik na si Jovelyn Gonzaga na huling naglaro sa Army Lady Troopers na hindi lumahok ngayong conference.

Ang beteranong si Gonzaga ay naging bahagi na ng dating koponan ng Cignal taong 2017 hanggang 2020. Samantala, si Gandler ang una at natatanging Atenean na nakuha ng Cignal.

Mananatili namang Angels si MJ Phillips, na kauna-unahang Pilipinong manlalaro na na-draft sa KOVO 2023 Korean V-League, kasama si Remy Palma at ang dalawang rookie, KC Galdones at Julia Ipac.

- Advertisement -

Sa huling laban sa opening ng PVL kung saan nagsimula ng 6:30 ng hapon kahapon, magtatagpo ang team mula sa Pool A, Chery Tiggo Crossovers at Creamline Cool Smashers.

Muling nagbabalik sa line-up ng Crossovers si Jaja Santiago, na huling naglaro bilang Asian import sa Saitama Ageo Medics, matapos mapaso ang limang-taon kontrata nito.

Kasamang umatake ni Jaja ang team captain at dating PVL MVP na si Mylene Paat, idagdag pa ang limang bagong manlalaro ng grupo, Eya Laure at Imee Hernandez ng University of Santo Tomas at trio ng National University na sina Jennifer Nierva, Princess Robles at Joyme Cagande.

Pinangunahan din ni Alyssa Valdez ang Smashers matapos makarekober sa knee injury natamo noong Disyembre 2022.

“I’ve been training with the team. Full training. I’ve been training with the team for several weeks now,” ani Valdez sa The Manila Times.

Sumabak na rin sa pagiging prospesyonal indoor volleyball player si Bernadeth Pons matapos lumagda sa Creamline, makakasama niya sa laro ang mga batikan ng sina Tots Carlos, Jema Galanza at Michele Gumabao.

- Advertisement -

Si Pons ay huling naglaro sa Petron noong 2019 Philippine Superliga (PSL) at nakilala sa beach volleyball kasama ni Sisi Rondina.

Ang dalawang team na mangunguna sa bawat pool ay aakyat sa semi-finals, na mas magiging intense pa sa paglahok ng dalawang foreign guest squads.

“It’s a really fast conference this Invitationals and everyone is in equal footing because of the quality of players and support of teams. Everything is already there. The level of competition will definitely be higher,” dagdag pa ni Valdez.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -