30.6 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

Unang laro ni Kai sa NBA Summer League, parang magic

- Advertisement -
- Advertisement -

NAPA-Thank God it’s Friday! at nag-palakpakan ang ating mga kababayan nang sa wakas ay naipasok at nakapaglaro na sa NBA Summer League si Kai Sotto sa Thomas and Mack Arena sa Las Vegas kahapon nang umaga, Hulyo 14, matapos ang tatlong larong nabangko si Kai bilang DNP-CD (Did Not Play-Coach’s Decision).

Kai Sotto sa kanyang debut game sa NBA Summer League. (Instagram/Orlando Magic)

Sinalubong ng hiyawan at palakpakan si Sotto ng mga fans nang pumasok ito sa court mula sa bench sa pagsisimula ng second quarter ng laban ng Orlando Magic at Portland Trail Blazers, kung saan nakapaglaro ito ng 13 minuto sa buong laban.

Sa pagpasok ni Sotto, nakuha nitong i-block si Shaedon Sharpe ng Portland, ngunit natawagan ng 3-second violation at isang turnover dahil sa hindi magandang pasa at napalitan ng kanyang kakampi na si DJ Wilson sa ika-4:23 minutong natitira sa first half kung saan ay naghahabol ang Magic sa Blazers, 37-16.

Bumalik lamang sa court ang 21-anyos na sentro noong third quarter at naka-iskor ng tip in at isang basket mula sa malayong distansya bukod pa sa ilang blocks. Sa huling minuto ng fourth quarter, hindi naging matagumpay ang alley-oop dunk ni Sotto matapos niya itong mabitiwan ngunit agad din itong bumawi nang siya ay nakapagdakdak pa.

Ngunit sa huli ay natalo ang Orlando sa iskor na 88-71 at nanatiling walang panalo o 0-4 ang kartada sa NBA Summer League.


Gayunpaman, pinuri ni Fil-Am Utah Jazz star Jordan Clarkson si Kai Sotto matapos itong mag-tweet sa kanyang social account, “solid performance keep grinding away!”

Ayon sa panayam kay Sotto na ibinahagi sa Twitter account ng Orlando Magic, ang laban aniya ay magandang panimula upang makipagbakbakan sa loob ng court at bagama’t natalo sila sa naturang laban ay may natutunan naman sila bilang koponan. Aniya, hindi siya kabado sa unang pagsabak sa court, mas kinabahan pa raw siya nung nasa bench pa siya.

“I feel like it’s a good first game, just to go out there and compete. It’s not good that we didn’t win, but we learned a lot from this game. I think I did pretty good defensively. I just have to work on getting better looks and making shots in the next game, so we have to bounce back,” sabi ni  Sotto.

Maganda rin umano ang kanilang depensa at kailangan lamang ay gumawa sila ng magandang tira dahil ayon sa kanyang napanuod sa unang mga laro ay fast-paced o masyadong mabilis ang mga batang manlalaro, at halos lahat ay skilled o magagaling at katulad niya ay may nais ding patunayan, ang makapaglaro sa NBA, dagdag pa ni Sotto.

- Advertisement -

“The game in the Summer League is pretty fast-paced. Everybody’s pretty skilled; everybody’s hungry to show they’re worthy of a roster spot. It’s competitive. It’s finally nice to finally go out there and play. It’s a good feeling. I mean to anybody who’s playing and to have a lot of guys cheering for you. It’s a blessing,” dagdag ni Sotto.

Nanguna sa scoring sa panig ng Orlando si Dexter Dennis na nakapagtala ng 16 na puntos habang si DJ Wilson at Quinndary Weatherspoon ay parehong nakapagrehistro ng 11 puntos.

Samantala, si Michael Devoe naman sa panig ng Trail Blazers ang kumana ng 18 puntos sa tulong ni Shaedon Sharpe at Duop Reath na parehong nag-ambag ng 12 puntos upang maiuwi ang panalo sa Portland.

Si Sotto naman ay nakapagtala ng anim na puntos, sa 3-of-7 field goals nito, apat na rebounds, tatlong blocks at isang assist kalakip ang dalawang turnovers.

May isang laro pang natitira ang Magic ngayong pre-season at ito ay sa darating na Sabado, Linggo (Hulyo 16) sa oras ng Maynila, sa parehong lokasyon kontra sa Boston Celtics.

 

- Advertisement -

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -