30.4 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Coach Alen Stajcic ng Team Filipinas umalis na sa Philippine women’s national football team

- Advertisement -
- Advertisement -

INANUNSYO ni Coach Alen Stajcic ng Team Filipinas ang pag-alis sa Philippine women’s national football team kasama ang Assistant Coach na si Nahuel Arrarte.

Filipinas Team Manager Jeff Cheng (kaliwa) kasama si Alen Stajcic sa ginanap na meet and greet ng koponan sa Auckland noong Hulyo 19. (PilipinasWNFT/INSTAGRAM)

Ito ay matapos magwakas ang kontrata ng dalawa sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa 2023 FIFA Women’s World Cup sa New Zealand. Kung saan ang dalawang coach ay piniling huwag nang pumirma muli at nais umano nilang tumuklas ng iba pang opsyon.

Sa ipinalabas na pahayag ng Philippine Football Federation kahapon, Martes, Agosto 1, inilahad ni Jeff Cheng, team manager ng Filipinas.

“Ipinaabot nina Coach Alen at Coach Naz ang kanilang pasasalamat sa oportunidad at suportang natanggap nila mula sa komunidad ng football sa bansa,” ayon kay Jeff Cheng, team manager ng Filipinas.

“I would first and foremost like to express my gratitude to Sir Jeff for giving us the opportunity and entrusting us with the keys to the National Team,” pagbabahagi ni Coach Alen sa parehong pahayag.


Si Stajcic ay nagsimulang maging coach ng Filipinas noong Oktubre 2021 at nagdala ng makasaysayang tagumpay sa bansa sa loob ng 20 buwan. Sa kanyang unang paligsahan ay nakausad sa semifinals ng AFC Women’s Asia Cup 2022 ang koponan, na naging daan upang makapasok sila sa World Cup.

Kasunod nito ay nakapag-uwi din ng tanso, ang Filipinas sa Southeast Asian Games sa Vietnam, kauna-unahang medalya simula 1985. Nagwagi din sila sa 2022 Asean Football Federation o AFF Women’s Championship at nagkampyon matapos gapiin ang Thailand, na idinaos sa Maynila. At ang huli ay ang makasaysayang unang goal kontra sa mga New Zealand na nagpataas din sa world rankings ng bansa sa FIFA.

“All of which were special and memorable and brought much deserved attention to the Team,” ayon sa 49 anyos na coach. At sinabing ang huling dalawang laban ng koponan sa World Cup ay isa sa pinakamagandang naranasan niya sa karera niya bilang coach.

“Beating New Zealand on home soil and scoring our first World Cup goal and getting our first win was the things that dreams are made of,” pagbabahagi ni Stajcic.

- Advertisement -

Bagama’t natambakan sa kanilang huling laban kontra Norway na dinaluhan ng halos 34,000, naramdaman nila na parang 30,000 ang kumakanta para sa mga Filipinas at nakapagdulot ito ng kilabot kina Stajcic. Ayon sa Australian coach, ito ay nagpapakita na ang football ay nabibilang na sa Pilipinas, at ang legasiya nito ay dapat nating ipagmalaki.

Hindi rin nito nakalimutang pasalamatan ang mga manlalaro at coaching staff para sa kanilang pagsisipag, dedikasyon at paninindigan para sa koponan, “To the players, I can only say, you were courageous, passionate, disciplined and loyal to the Team, the Flag and the Country. Your sacrifices should be long remembered by all Philippine Sports fans. To give hope and inspiration is the greatest of all achievements.”

Pinapurihan din ni Cheng ang kontribusyon nina Stajcic at Arrarte sa koponan at sa Philippine sports, “they have shown us what is possible with proper guidance, dedication and hard work, and their efforts have led to the greatest achievement in Philippine football thus far — a match won against the higher-ranked host nation at a World Cup. They will surely be our beloved heroes for decades to come.”

Isang malaking karangalan umano ang makatrabaho sila, na kahit manalo o matalo ay naging malaking bahagi pa rin ito ng makasaysayang pinagdaanan ng koponan. At sinabing hindi nila ito makakalimutan at sana ay hindi rin sila nito makaligtaan, pagdagdag ni Cheng.

Ang national team ay inaasahan na maghahanap ng bagong coach ngayong nalalapit na ang 2023 Asian Games sa Hangzhou, China.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -