30.2 C
Manila
Martes, Pebrero 18, 2025

‘Kilatis Kutis’ Free Skin Clinic isinagawa sa Olongapo

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Olongapo ng “Kilatis Kutis” Free Skin Clinic na sinimulan nitong Nobyembre 9 sa Marikit Park, Olongapo City.

Ito ay bahagi ng National Skin Disease Detection and Prevention Week/Leprosy Active Case Finding and Awareness Lecture “Kalusugan sa Balat Tugon ng PDS sa lahat ” at “Act Now. End Leprosy” campaign na pinangunahan ni Mayor Atty. Rolen Paulino Jr. kasama ang tauhan ng City Health Office.

Katuwang din sa kampanya ang mga dermatologist mula sa Philippine Dermatological Society.

Hindi lamang tungkol sa sakit sa balat ang tinutugunan sa ginawang libreng skin clinic, kundi pati na rin ang mga suliranin sa buhok, anit at mga kuko. Gayundin, ang mga may sakit na dulot ng acne, wrinkles at iba pang dermatological problems.

Walong dermatologists mula sa Philippine Dermatological Society ang nagbigay ng libreng check-up, topical medicines, at mga sabon na para lamang sa pagpapabuti ng kondisyon ng balat.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -