31.2 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 14, 2024

Bahay na hindi na kailanman matatangay

- Advertisement -
- Advertisement -

KUNG maaari lang ay ayaw nang balikan ng mag-aaswang Ronel Caled ng Lallayug, Tuao, Cagayan ang isang tarahedyang naranasan ng kanilang pamilya kung saan siya at ang ilang kabarangay ay namalagi sa evacuation center sa loob ng limang buwan.

Ayaw na nilang gunitain ang mga panahong naisama sa mga ‘totally damaged’ ang kanilang bahay noong nagdaang bagyong Paeng noong October 2022 kung saan umabot sa P39.25 million ang naitalang pinsala ayon sa  Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ng rehiyon dos.

Isa lamang ang pamilya ni Mang Ronnel sa mahigit 50 pamilya sa bayan ng Tuao na lubhang naapektuhan ng Bagyong Paeng at maging ng mga nakaraang pagbaha sa lalawigan.

Iyak at hagulgol ang tugon ni Ronnel sa katanungan ng media kung ano ang masasabi niya sa bago niyang tahanan.

Isa lamang kasi si Ronnel sa 15 na beneficiaries ng konkretong pabahay sa ilalim ng Tuao – Taiwan Economic and Cultural Office (TECO) – Manila Economic and Cultural Office (MECO).

Sa ilalim ng proyekto, nagkaloob si TECO Chair Silvestre Bello 3rd ng $200 o kabuuang P10M bilang tulong ng bansang Taiwan sa ating lalawigan.

Tatlong ektaryang lupain ang nabili ng Pamahalaang Bayan ng Tuao para sa resettlement area ng mga pamilyang madalas naaapektuhan tuwing may mga bagyo at pagbaha.

Dito ipinatayo ang tatlong apartment type na may tag-limang units o kabuuang 15 units para sa 15 pamilya.

Bawat unit ay may electric, water at drainage system, may malawak na bakuran at malapit sa mga paaralan at sa sentro ng bayan.

Ayon kay Gov. Manuel Mamba, isa itong lugar na malayo sa panganib.

Pero hindi tulad ng ibang pabahay project, libre lamang sa loob ng anim na buwan ang kanilang pagtira subalit są mga susunod na buwan ay may bayad, ngunit magaan lang naman sa bulsa.

Ayon kasi sa gobernador, marami na ang mga nabiyayaan ng libreng pabahay subalit ibinebenta ito sa oras ng kagipitan.

Aniya, ang perang kanilang ihuhulog ay magsisilbi nilang ipon habang nakatira sa pabahay at ito rin ay kanilang makukuha sa oras na sila ay lilipat o may kakayahan ng magpatayo ng kanilang sariling bahay.

Naibigay narin sa mga benepisaryo ang symbolic key sa mga beneficiaries bilang tanda na maaari na nilang tirhan ang kanilang bagong bahay.

Ang hagulgol ni Mang Ronnel ay ang kagalakan sa kanyang puso na sa salas, titira na sila sa isang ligtas na lugar kasama ang kanyang pamilya. (OTB/GVB/PIA Region 2)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -