27.6 C
Manila
Biyernes, Enero 17, 2025

Pagpapahalaga sa tubig, tampok sa infomercial ng kapitolyo sa Camarines Norte

- Advertisement -
- Advertisement -

TAMPOK ang pagpapahalaga sa paggamit ng tubig sa Infomercial Making Contest na patimpalak ng Aral Kalikasan program ng kapitolyo dito.

Ang isinagawang Infomercial Making Contest kaugnay sa pagpapahalaga sa paggamit ng tubig na patimpalak ng Aral Kalikasan Program na taunang programa ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng pamahalaang panlalawigan. (PIA5/ Camarines Norte)

Ito ay nilahukan ng mga mag-aaral ng junior high school mula sa mga pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan.

Tema ngayong taon ang “Water: Every Drop Counts, Every Action Matters.”

Ang Aral Kalikasan ay taunang programa ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng pamahalaang panlalawigan.

Nakuha ng Jose Panganiban National High School ang unang pwesto, pumangalawa naman ang Rizal National High Scholl at ikatlong pwesto naman ang nakuha ng Tigbinan National High School.

Ang mga nanalo ay tumanggap ng gantimpala na nagkakahalaga ng P5,000 sa unang puwesto; P4,000 sa ikalawa at 3,000 sa ikatlo. Nakatanggap din ang mga nanalo ng  medalya at sertipiko.

Lahat ng lumahol sa naturang patimpalak ay nakatanggap din mga sertipiko.

Ayon kay PENR Officer Engr. Leopoldo Badiola, layunin ng patimpalak na gisingin ang kaalaman ng mga kabataan at gayundin ang kanilang mga tagapayo hinggil sa mga isyu sa kapaligiran sa pamamagitan ng mga paligsahan ng mga mag-aaral at guro sa lalawigan.

Aniya, kailangan ding mapaunlad ang kanilang mga saloobin sa maayos na pakikipag-ugnayan sa kalikasan dahil tayo ay bahagi rin nito.

Ang paligsahan ay bahagi ng adbokasiya ng pamahalaang panlalawigan na isinasagawa bawat taon sa ilalim ng Environmental Awareness Program nito.

Naging hurado sina Rosalita Manlangit, information center manager ng Philippine Information Agency (PIA); Dr. Sarah Marie P. Aviado, provincial information officer ng pamahalaang panlalawigan at Cherry Ann B. Lo, planning officer ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). (PIA5/ Camarines Norte)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -