30.1 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

2,064 rice farmers sa Calapan, binigyan ng tulong pinansiyal ng DA

- Advertisement -
- Advertisement -

PINAGKALOOBAN ng Department of Agriculture (DA) mula kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos, Jr., ang nasa 2,064 na magsasaka ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) Intervention Monitoring Card (IMC) na naglalaman ng P5,000 bawat isa sa pamamagitan ng City Agricultural Services Department (CASD) kamakailan.

Pinamunuan ni Calapan City Mayor Marilou Flores-Morillo ang pamamahagi kasama si CASD Focal Person, Engr. Jasper Adriatico, mga CASD technicians at iba pang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa mga kasapi ng iba’t ibang samahan ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

Ang nasabing RFFA ay ayuda sa mga magsasaka na nakarehistro sa Registry System for Basic Sector in Agriculture na nagsasaka ng hanggang dalawang ektaryang lupain alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11203 o ‘Rice Tarrification Law’ at RA No. 11598 0 ‘Cash Assistance for Filipino Farmers Act’ na nagtatakda na ang lahat ng sobrang nakolektang taripa na ayon sa batas ay dapat ibigay sa mga kwalipikadong magsasaka. (DN/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -