TINALAKAY sa ika-13 National Economic and Development Authority (NEDA) Board Meeting ang Philippine Development Report 2023 na iniuulat ang progreso ng pamahalaan sa pagpapatupad ng Philippine Development Plan 2023-2028.
Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inaprubahan din sa miting ang pagpapalawig sa Laguindingan International Airport sa CDO at ang mga pagbabago sa RAPID Growth Project na layuning makapagbigay ng hanapbuhay sa labas ng mga lungsod, partikular na sa farming communities.
Ayon kay NEDA Sec Arsenio Balisacan, ang parameters, terms, and conditions o PTCs para sa 12.75 bilyon Laguindingan International Airport proyekto sa Cagayan de Oro ay napagkasunduan sa pagitan ng mga kinatawan ng Department of Transportation at ng Civil Aviation Authority of the Philippines at ng mga orihinal na tagapagsulong ng unsolicited public-private partnership (PPP) project.
Samantala, ang 4.78 bilyong RAPID Growth Project ay naglalayong suportahan ang 78,000 mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapalawig ng mga on-farm and off-farm activities at paglikha ng mga trabaho sa mga kabukiran o rural areas. Halaw sa ulat ng Presidential Communications Office