NAGBIGAY ng pahayag si Bise Presidente Sara Duterte sa kanyang Facebook page na Inday Sara Duterte hinggil sa mga lumalabas na akusasyong may kinalama siya sa Oplan Tokhang sa Davao Death Squad.
Ito ang kanyang pahayag.
“Ayon sa isang nagpakilalang testigo, may kinalaman umano ako sa Oplan Tokhang, sa Davao Death Squad, at sa mga insidente ng pagpatay o extrajudicial killings sa Davao.
Bago ang script na ito.
Sa mga taon na nagsilbi ako bilang Vice Mayor at Mayor ng Davao City, ni minsan ay hindi naugnay ang aking pangalan sa isyung ito.
Bigla na lang nagkaroon ng testigo laban sa akin nang mahalal ako na Vice President. At kabilang na nga ako ngayon sa mga akusado sa International Criminal Court.
Maliban sa tiyempo, malinaw na sadyang pinilit lang na maidugtong ang pangalan ko sa isyung ito para ako maging akusado sa ICC.
Ang pagpupumilit ng ICC na pakialaman ang ating hudikatora ay panghihimasok sa ating soberanya. Paglapastangan ito sa dignidad ng mga Pilipino at sa karangalan ng Pilipinas.
Wala na itong debate, sa testigo at mga tao na nakapalikod sa kanya magfile kayo ng kasong murder laban sa akin dito sa Pilipinas.”