NAG-ULAT si Bise Presidente Sara Duterte sa kanyang Facebook page na Inday Sara Duterte tungkol sa mga nangyayari sa Davo Region na binaha at nagkaroon ng landslide.
Aniya, “Dumalo po tayo sa isang situation briefing tungkol sa nangyaring baha at landslide sa Davao Region kahapon (Pebrero 7) na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.sa Davao City.
“Nagbigay ng mga reports ang iba’t ibang mga local government executives sa iba’t ibang probinsya na sakop ng Davao Region na naapektuhan ng matinding baha at pagguho.
Nagbigay din ng report ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development and Office of the Civil Defense sa mga tulong na inihatid ng National Government sa mga apektadong lugar at mamamayan.
Lagi po nating ipinaalala ang kahalagahan ng paghahanda sa mga ganitong sakuna para alam natin at ng ating mga kababayan ang dapat gawin at kailangang aksyon upang maiwasan ang trahedya. Ang pangagalaga sa buhay at pangkalahatang kapakanan ng mga mamamayan ang dapat manatiling prayoridad.
“Maraming salamat Pangulong Bongbong Marcos sa lahat ng tulong na ipinaabot mo sa mga apektadong lugar sa buong Davao Region.”