“Labis po kami nagpapasalamat kina Senator Alan Peter at Pia Cayetano,” wika ni Jonah Aure, vice-chairperson ng Central Market Development Cooperative (CMDCO), sa pamamahagi ng tulong sa Santa Cruz, Maynila noong April 4, 2024. “Napakalaking tulong po nang naibigay na bigas sa ating mga members na magkaroon ng kabuhayan.”
Pumunta ang opisina nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa Santa Cruz noong April 4, 2024 para magbigay ng tulong sa 85 benepisyaryo upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
“Rest assured po na ang ibinigay niyong tsansa sa ating mga members ay mapapaikot po nila ang kanilang kabuhayan,” dagdag pa ni Aure.
Sinabi rin ni Alfie Isip Hualde na malaking tulong para sa kanila ang kanyang tinanggap.
“Una sa lahat, pwede ko po gawing panimulang hanapbuhay iyon…Umasa po kayo na palalaguin at pagyayabungin pa po namin ang kabuhayan na ipinagkaloob,” wika niya.
Naisagawa ang programa sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa kanilang Integrated Livelihood Program (DILP), na layuning palawakin ang negosyong pangkabuhayan ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang tulong na maaaring magamit bilang panimulang puhunan.
Naging matagumpay ang aktibidad sa pakikipagtulungan nina DoLE NCR Director Atty. Joel Petak, DoLE Livelihood Officer John Rey Abitria, CMDCO Chairman Rayner Revellame, at CMDCO Vice-chairman Jonah Aure.
Karagdagang programang pangkabuhayan sa Maynila
Bumisita rin ang mga tanggapan ng magkapatid na senador sa Sampaloc, Manila noong April 4 at 5 bilang paghahanda sa mga nalalapit na programang pangkabuhayan.
Naisagawa ang pagbisitang ito sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng kanilang Sustainable Livelihood Program (SLP) na naglalayong magbigay ng tulong sa mga miyembro ng 4Ps upang makapagsimula sila ng sariling maliit na negosyo o sumailalim sa pagsasanay sa kasanayan na magagamit sa trabaho.
Naging matagumpay ang pagbisita ng mga opisina ng senador sa Maynila dahil sa partisipasyon nina SLP Project Development Officer Crispie Tabucol at SLP Capacity Building Officer Gloria Lopez.