26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

Pahayag ni BP Sara sa sama ng loob ng Unang Ginang Liza Marcos

- Advertisement -
- Advertisement -

NAG-POST sa kanyang Facebook page si Bise Presidente hinggil sa sama ng loob at galit ni Unang Ginang Liza Marcos.

Aniya, “Mga kababayan, bilang tao, karapatan ni Unang Ginang Liza Marcos na makaramdam ng sama ng loob at galit.

“Subalit ang kanyang personal na damdamin ay walang kinalaman sa aking mandato bilang isang opisyal ng pamahalaan.

“Upang makausad tayo, iiwan na natin sa isang pribadong pag-uusap sa pagitan lamang namin ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. ang mga susunod na hakbang.

“Mga kaigsuonan, nag-atubang ang atong nasud og dagkong mga problema nga kinahanglang solusyonan sa gobyerno.

“Dapat ay nakatutok tayo sa pagtugon sa mga suliraning hinaharap ng ating bansa.

Patuloy ang pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang mga bilihin at ito ay mas nagpapahirap pa sa dinaranas na gutom o kawalan ng sapat na pagkain ng mahihirap nating kababayan.

“Nagbabadya rin ang kakulangan ng supply ng tubig at kuryente, habang talamak na naman ang ipinagbabawal na droga.

“Samantala, hindi pa rin natatapos ang banta ng kriminalidad, terorismo at insurhensiya sa ating bansa.

“Kini ang mga butang nga angay natong hatagan og pagtagad.

“Unahin natin ang Pilipinas.

“Shukran.”

Sara Z. Duterte

Vice President of the Philippines

Secretary of the Department of Education

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -