30.2 C
Manila
Linggo, Setyembre 15, 2024

Sen Bato: Hindi ako madidiktahan

- Advertisement -
- Advertisement -

NITONG nakaraang Martes, Abril 30, mariing pinasinungalingan ni Sen. Bato ang malisyosong paratang kaugnay ng kanyang pamamahala sa katatapos na unang pagdinig ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs tungkol sa kaso ng napabalitang pagkalat ng classified documents mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Iginiit pa ni Sen. Bato na hindi niya kailanman hahayaang madiktahan ang kanyang komite ng anumang pamumuwersa o panggigipit ng sino man para mapagtakpan ang katotohanan sa kanyang mga isinasagawang pagdinig sa gitna ng imbestigasyon ng kanyang komite.

“Ako po, I will do my duty as the Chairman of this committee regularly. Hindi po ako magpa-pressure kung sino-sinong gustong mag-pressure diyan at gusto nilang i-dictate ‘yung tempo ng aking investigation…Ang purpose nitong hearing ko is in aid of legislation, pano tayo maka-come up ng polisiya na maiwasan na mangyari ‘yung ganyan kabigat na insidente ng leakage na mga classified documents…Hindi po ito hearing in aid of persecution na i-persecute natin ‘yung kung sino ‘yung mga tao na nagiging subject dun sa pre-operation report na ‘yun. And then we have to observe their rights also dahil impormasyon palang yun…Hindi po natin sila subject na ipi-pin down sila sa hearing na ito, dahil hindi tayo korte.”

Dagdag pa niya sa isang panayam, “Some people are out for blood. Gusto nila na i-persecute ko ‘yung Presidente agad-agad without the benefit of the hearing…Hindi na maganda ‘yung proseso natin kapag gano’n ang mangyari…This is an investigation in aid of legislation in order to come up with proper legislations na maka-address sa issue ng leakage ng classified documents dahil alam natin napakahalaga itong mga papel na ito. At kapag ito’y nag-leak, it will cause damage to not only national security, national interest will be jeopardized ‘pag gano’n ang gagawin ng mga tao natin…Hindi po ito investigation in aid of persecution…Kaya tayo naghi-hearing para pakinggan both sides. Hindi po isang side lang ang pakinggan natin.”

Paliwanag pa niya, “Malaki masyado ang respeto ng liderato ng Senado sa Chairman ng komite. Lahat ng decision-making diyan ay ipinapaubaya sa Chairman ng komite. So mukhang malabong mangyari ‘yon na haharangin ‘yung May 7 hearing na gaganapin natin…There’s no stopping us…The Senate as an institution will prove to the whole world that we are an independent and a co-equal body with the Malacanang and the Judiciary. Meron po kaming sariling institusyon. Hindi po kami pwedeng diktahan nino man.”

Halaw mula sa Facebook page ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -