29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Magkapatid na Cayetano, tumulong sa pag-angat ng buhay ng 120 marginalized na Parañaqueño

- Advertisement -
- Advertisement -

PARA kay Albert James Alberto, naging malaking hamon ang Covid-19 pandemic at nagdulot ito ng matinding pagsubok sa kanya at sa kanyang pamilya.

“Dumaan ang pandemic tapos nagkaroon ako ng congenital heart disease. Bawal na akong magtrabaho kaya nagtayo ako ng sari-sari store,” sabi niya habang pinapasalamatan sina Senador Alan Peter at Pia Cayetano para sa tulong pangkabuhayan na ibinigay ng kanilang opisina sa higit isandaang residente ng Parañaque nitong Biyernes.

“Malaking tulong itong SLP (Sustainable Livelihood Program) para sa aming mga naghihikahos,” dagdag ni Alberto.

Ginanap ang inisyatiba nitong Biyernes, May 3, upang tugunan ang mga pangangailangan at tulungang mapanatili ang kabuhayan ng 120 residente na kabilang sa mga grupo ng kababaihan, Persons With Disabilities (PWD), at LGBTQ sa Parañaque City.

Isinagawa ito ng Cayetano team kasama si Parañaque Councilor Ryan Yllana at sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) nito.

Nagpasalamat din sa mga senador ang single mom na si Gabriely Prias Duncan. Aniya, gagamitin niya ang tulong upang mapabuti ang kalidad ng buhay nila ng kanyang anak na may kapansanan.

“Kalahati po sa tulong ay ibibili ko ng pagkain namin, tapos kalahati ay ipangnenegosyo ko. Maraming salamat kasi isa po ako sa napiling mabigyan ng tulong. Ingat po kayo Senators Alan Peter at Pia Cayetano parati. God bless!” sabi ni Duncan, na kasalukuyang walang trabaho.

Dinaluhan ang SLP awarding na ito ng Chief of Staff ni Yllana na si Noel Palomarez, DSWD NCR Cluster Head Marie Rose Putong. Nagbigay rin ng mensahe ng pasasalamat si Parañaque Vice Mayor Joan Villafuerte.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa kabuhayan sa libu-libong Pilipino sa buong bansa, nananatiling tapat ang mga Cayetano sa pagtatayo ng mga komunidad at pagbibigay ng pantay na pagkakataon sa lahat, anuman ang kanilang pinanggalingan o kalagayan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -